W#1: 4

8.4K 88 3
                                    

Hindi mapakali si Sienna at para bang balisa. Kanina pa siya napapagalitan dahil hindi maayos ang pagpost niya. Ngayon lamang nangyari sa kanya ito kaya naman ay pinagpahinga muna siya.

Agad naman siyang tumungo sa kanyang room at umupo sa swivel chair. Kagat kagat ang isang hintuturo at nanginginig ang mga tuhod. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin siya pinapatahimik ng nakausap niya kagabi. Para bang nag-eco ito sa kanyang isipan at hindi na mahanap ang labasan.

Nag-iisip siya ngayon kung paano niya mapaghahandaan ang mangyayari. Kung paano hindi masisira ang imahe niya sa maraming tao. Ayaw niyang magkamali, ayaw niyang masira ang career na matagal na niyang iningatan.

"Hey beb, kanina ka pa balisa ah" saad ng kanyang kaibigan.

"Hindi ako mapalagay eh. Kinakabahan at natatakot ako, Niks" sabi niya dito sabay tumayo at nagpabalik balik.

Sinusundan lamang siya ng tingin ng kaibigan. Siya naman ay walang pagod na nagpabalik balik habang suot suot ang 6 inches niyang heels.

"Umupo ka nga, hindi ka ba nangangalay diyan? Nahihilo na ako sayo eh" saway sa kanya ng kaibigan.

Huminto naman siya at agad na tumabi dito. Nagulat naman ang kaibigan sa inakto niya. Bumuntong hininga muna siya bago niya ito kinausap.

"What if? What if lang ah, What If pumayag ako sa inaalok ni Mikhail? Then I will benifit from it" sa ngayon ito lamang ang tanging naiisip niyang paraan baka sakaling makaligtas siya.

"Huh? Tanga ka ba? Bakit? Dahil lang sa kanya papayag ka na sa inaalok ni Mikhail? Beb, alam naman natin na darating din ang panahon at maniningil siya. Akala ko ba, pinaghandaan mo na? Diba ready ka na? Pero bakit nagkakaganyan ka?" Taas kilay na sabi ng kaibigan niya.

"Oo pero.....Urgh!! Kasi naman!! Paano kung mawala lahat ng pinaghirapan ko? Paano kung sa isang pitik lang ng kamay ay wala na. Wala na ang lahat" sabay napaluha siya.

Inalo naman siya ng kaibigan niya at maging ito ay napapaisip din. Nakita nito kung paano naghirap si Sienna upang marating lang kung ano ang narating nito ngayon. Hindi naman kasi agad agad ka makikilala ng buong mundo kung hindi ka dadaan sa hirap.

Masaya na ito sa kung ano siya ngayon lalo na ng bitawan siya nito pero bakit ngayon? Bakit ngayon pa kung saan maayos na ang lahat? Kung ngayon ay sikat na si Sienna at marami ng pumupuri dito.

"I think you need to think another way. Huwag mo gamitin si Mikhail para lang jan, Sie" may pag-aalalang saad nito sa kaibigan.

"Pero.....paano ako? Ayun lamang ang tanging naiisip ko" hikbing sabi nito.

"I know, but, but mali eh. Maling gamitin mo yung tao para lang sa pakanan mo" sabi ni Nikita sabay hawak nito sa magkabilang balikat niya at tinignan siya ng mataimtim.

"What if Mikhail found it? Paano kung malaman niya na kaya ka pumayag dahil ginagamit mo lang siya?" Dugtong pa nito.

Pero diba? Kaya nga siya pakakasalan nito dahil gagamitin lang din siya? Kasi gusto nitong pakinabangan siya? Oh diba? She has a reason para lang tanggapin niya ang inaalok ng binata. Why not? Edi mag gamitan sila, basta ba makukuha niya ang gusto niya.

Pinunasan naman ni Sienna ang pisngi niya na kanina pa basa. Tinuyo niya muna ito bago siya nagsalita.

"I know it's wrong but we can use each other, Niks. Let me handle this, promise, trust me okay?" May pagsusumamong sabi niya sa kaibigan.

W#1: LET ME TASTE YOU 《R+18》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon