EPILOGUE

5.2K 63 8
                                    

"Aaaaaaaah! Mikhaiiiiiiiiiil!! Humanda ka sa akin! Aaaaah ang sakit!! Manloloko ka! Ang sabi mo hindi mo ako sasaktan pero ano? Ano ngayon ang sakit mikhail!" sabay sinambunutan niya ito.

Wala namang imik si Mikhail habang sambunot-sambunot niya ito. Tila ay hinahayaan lamang siya sa ginagawa niya. Siya naman ay hindi magkanda mayaw sa kakasigaw dahil sa sakit na nararamdaman.

Makailang sigaw pa siya ay naandoon pa din ang sakit. Tagaktak na ang pawis niya ngunit hindi pa rin ito nawawala.

"Hayop ka Mikhail!!! Hindi ka na makakaulit!!! Ang sakit!!! Aaaaaaaaaaaah!!!" malakas na sigaw niya habang umiiri dahil nanganganak na siya.

Pakiramdam ni Sienna mabibiyak ang mga hita niya dahil sa sobra niyang pagkabukaka.

Nararamdaman din niya na unti-unting lumalabas ang bata sa butas niya dahilan para umiri pa siya ng umiri na may kasamang sigaw habang walang awang sinasambunutan ang asawa.

"Aaaaaaaaaaaaaaah!!!!!" sigaw ni Seinna.

"Ma'am iri pa po, kita ko na ang ulo ng bata. Malapit na kaunti na lang. Sige pa push pa ma'am" kaya naman todo iri si Sienna kahit na hihirapan na siya.

Ngunit si Mikhail ay halos lumuwa na ang mata sa sakit na pagsasambunot ni Sienna sa kanya. Pakiramdam ni Mikhail ubos na ang buhok niya.

Ilang minuto pang pag-iri ay narinig na nila ang iyak ng bata. Para namang nabunutan ng tinik si Sienna at napawi ang lahat ng paghihirap ng marinig niya ang boses nito.

Pagod na pagod si Sienna at nanlalambot. Ngunit naandoon pa rin ang kagustuhan niyang makita ang anak kahit pakiramdam niya ay mawawalan siya ng malay.

"Mikha.......Mikhail I....I want to see our.....our baby" pagod niyang saad.

Hinimas naman ni Mikhail ang noo niya sabay hinalikan siya dito.

"Sige, sasabihin ko kay doctora" napangiti na lang siya sa tinuran nito at unalis sa tabi niya di Mikhail.

Napatingin naman siya sa asawa habang napailing ng maalala ang ginawa niya dito at mga pinagsasabi. Alam niyang si Mikhail ay kinakaban ngunit excited na makita ang anak nila.

"Here, Misis ko, eto na ang anak natin" naiiyak na saad ni Mikhail habang kumikislap ang mga mata nito kahit na namumula ang tenga at anit nito.

Gumaan naman ang pakiramdam ni Sienna at hindi maipaliwanag ang sayang kanyang nararamdaman ng makita niya at mahawakan ang anak.

Itinabi ito ng nurse sa kanya kaya naman ramdam na ramdam niya ang makinis, malambot, at medyo maliit nitong katawan. Nag-uunahan naman sa pagtulo ang luha niya hindi dahil sa sakit kundi dahil sa sayang naramdaman.

Tumabi naman sa kanya si Mikhail habang nakangiti. Parehas nilang pinagmasdan ang kanilang anak habang ito ay ginagalaw ang maliliit na kamay at paa.

Napakaputi nito dahil nakuha nito ang kulay ng ama. Ang pisngi nito na lobong-lobo, ang ilong na medyo matangos habang ang bibig ay napakanipis at hugis puso.

"Thank you, thank you so much, Misis ko. And to you, little tinny angel boy" saad ni Mikhail at pinaglaruan ang mataba nitong pisngi.

"Thank you din, Mister ko, salamat at dumating kayo sa buhay ko" sabay pinunasan ni Mikhail ang pisngi niya na nabasa ng luha.

Humikab naman ang anak nila dahilan para magkatitigan sila at natawa. Hinalikan naman niya ang kanyang anak sabay niyakap ito ng katamtaman lang upang hindi niya maipit.

Sa mga oras na ito, sobrang saya ang nararamdaman ni Sienna dahil may panibagong buhay ang dumating sa kanila. Isa pa, napakaswerte niya kay Mikhail. Walang hihilingin pa si Sienna kundi ang maging masaya ang kanyang pamilya.



KAKAGALING LANG NI SIENNA sa isang event kung saan ay inanunsyo niya na aalis na siya sa mundo ng pagmomodelo dahil mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ang pamilya niya. Gusto niyang maging mabuting ina sa kanyang anak at asawa. Kaya naman maraming nanghihinayang ngunit may mga sumuporta rin naman sa kanya.

Pagod na binuksan ni Sienna ang pinto ng kanilang bahay at pumasok sa loob. Nagtaka naman siya ng walang sumalubong sa kanya o ni anino man lang. Kaya naman inilapag niya sa lamesa ang bitbit niyang Dunkin Donut at hinanap ang tao sa kanilang bahay.

Tumungo si Sienna sa sala kung saan nandoon lang naman pala ang mag-ama niya. Bising-bisi ito sa kapapanood sa tv. Lumapit naman siya dito at hindi makapaniwala sa nakita. Busy ang mag-ama niya at talagang tutok na tutok sa palabas na Spongebob.

(Are you ready, Kids?!)
"Aye-aye, Captain!" sagot ng dalawa

(I can't hear you!)
"Aye-aye, Captain!" sagot ulit nito.

(Ohh...)

Kitang kita ni Sienna ang kislap ng saya sa mga mata ng mag-ama niya. Magkatabi naman ang dalawa at talagang parehas pa ng upo. Nakadekwatro ang dalawa habang tutok na tutok sa palabas.

Masasabi mo ngang mag-ama sila dahil pareho na pareho ang hilig. Lumipas kasi ang sampung taon ay masasabi niyang worth it ang lahat para sa kanya. Imbis na guluhin niya ang dalawa pinanood niya lang ang mga ito.

W#1: LET ME TASTE YOU 《R+18》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon