Ngayong araw ang pirmahan ng kontrata nila ni Mikhail. Kaya naman siya na mismo ang sumadya dito sa opisina ni Mikhail. Suot-suot ang backless red dress na humapit sa kasexyhan niya abot hanggang hita at pinarisan ng glass heels. Inayos niya muna ang damit dahil medyo nalukot ito bago siya pumasok sa loob ng building.
Hindi naman maiwasang pagtinginan si Sienna ng mga empleyado sa kompanyang ito dahil sa suot niyang damit na nagpalitaw sa kanyang kasexyhan at kagandahan. Ang iba ay napapasipol pa at talagang naglalaway. Binalewala lang niya ang mga ganitong bagay dahil sanay na siya.
Tumungo siya sa elevator sabay pinindot ang botton. Ngunit napagtanto niya hindi pala niya alam kung anong floor ang opisina ni Mikhail kaya naman ay imbis na sumakay sa nakabukas na elevator tumungo siya sa front desk at tinanong kung anong floor ng pinaka-boss nila.
Ngunit bago siya sagutin ng isang babaeng front desk ay pinasadahan muna siya ng tingin mula ulo hanggang paa na ikinakulo ng dugo niya. Base kasi sa tinginan nito masasabi niyang hinuhusgahan siya nito dahil sa taas na taas na kilay nito na akala mo ay maabot na ang langit.
"Miss front desk? Hello? I'm asking you" mabait niyang saad dito kahit ang totoo ay gusto na niyang sambutan ito ngunit hindi pwede dahil hindi niya ibababa ang level niya sa ganun. Mabait siya sa mabait pero kapag may ganitong attitude siyang nakikita aba! Ibang usapan nayon.
"Sorry but, who are you?" Mataray na saad nito sa kanya.
"Me?" Nakangiti niyang sabi dito na agad naman nito tinanguan. "I'm Sienna Alcazar" saad niya na ikinanganga nito.
Binigyan na lang niya ito ng isang matamis na ngiti kahit na labag sa kalooban niya. Hindi naman kaagad nakareak ang babaeng front desk dahil na rin siguro nabigla ito.
"Hello? I'm asking you right? So, what floor is he?" Mabait na saad niya dito.
"A-ah sorry, amh....h-his floor is 50th floor. The last floor in this building, Miss Sienna" nauutal na saad ng babae.
"Oh, okay, thank you" sabay kindat niya dito at talikod.
Ngunit ng nakatalikod na siya pinaikot niya ang kanyang mga mata sabay taas noong naglakad patungo sa elevator. Agad naman niyang pinindot ang up botton ng makarating siya sa tapat nito. Maya-maya pa bumukas na ang pinto at bumungad sa kanya ang nagsisiksikang empleyado.
Para namang nakakita ng multo ang mga ito ng siya ang mabungadan. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat at maiistatwa kapag isang sikat na sikat na modelo ang makikita mo pagbukas ng elevator.
Binigyan niya lamang ito ng matamis na ngiti ng magsilabasan ito at mahati sa gitna upang bigyan siya ng daan. Nagpasalamat siya sa mga ito ngunit nanatiling nakatitig sa kanya ang mga empleyado. Nang sumarado na ang elevator doon na niya tinanggal ang matamis na ngiti at bumuntong hininga na lamang siya.
Pinindot naman niya ang 50th botton upang tumaas na ang elevator. Habang nasa elevator pinagmasdan ni Sienna ang sarili sa reflection sa elevator. Gawa kasi ito sa stainless na may salamin upang makita mo ang sarili mo. Tinignan niya lang ang sarili at iniisip kung tama nga bang gamitin niya ang binata.
'Panindigan mo ang desisyon mo, Sienna. Don't be a fool'
Pangaral niya sa sarili upang hindi na siya mag-isip pa ng kung ano-ano. Matapos ang ilang minuto sa loob ng elevator bumukas na ito at tumambad sa kanya ang lawak ng lugar. Napanganga siya sa ganda at kinis ng sahig. Pwede ka nangang magsalamin sa sobrang kintab.
Inilibot naman ni Sienna ang kanyang paningin sa kwartong ito. Ito lamang ang natatanging floor na sinakop ang isang buong floor. Ngayon lamang siya nakakita ng ganitong set-up dahil halos karamihan sa mga building na napupuntahan niya ay hati hati ito base sa ranggo ng isang empleyado.
BINABASA MO ANG
W#1: LET ME TASTE YOU 《R+18》
RomanceWARNING R+18: W#1《LET ME TASTE YOU》 "All I want is protection but I found out you're the one who need it because of the pain in your heart." - Sienna Alcazar ATTENTION: THIS STORY ARE COMPOSED OF EROTIC SCENES. BEWARE TO THE WORDS I PUT. NOTE: 18...