Tahimik lamang nakasunod si Sienna kay Mikhail habang patungong parking lot kung saan naandoon ang kotse ng binata. Ni isa sa kanila ay walang umiimik hanggang sa makarating sila sa tapat ng kotse. Tinignan naman siya ng binata kaya naman napaangat siya ng tingin dito.
Nakaramdam naman siya ng kaba at ramdam niya ang mabilis ng pagtibok ng puso niya. Napansin niyang humakbang ang binata palapit sa kanya sabay hinapit ang bewang niya dahilan ng pagdidikit ng kanilang katawan. Bigla namang nag-init ang sistema ni Sienna ng maramdaman niya ang kakaibang bagay sa bandang ibaba niya. Parang inaakit siya nito at tinutukso.
Inilapit naman ng binata ang mukha nito sa mukha niya. Halos isang dangkal na lamang ang layo ng nila.
"You broke my rule, so I'm gonna punish you later, My Wife" saad ng binata na nagpatuyo ng lalamunan niya.
Idinampi ni Mikahil ang mapanuksong labi nito sa inosenteng labi niya sabay kumalas at sumakay na sa sasakyan. Naiwan naman siyang nakatayo at tulala sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Tila ba ay umikot na sa kanyang sistema ang init at mapanuksong kuryente sa buo niyang katawan. Para bang nagising ang natutulog niyang pagkababae.
Napapilatga naman si Sienna ng bumusina si Mikhail sa kanya. Napahawak na lamang siya sa kanyang dibdib at napabuga ng hininga. Sandali naman siyang natigilan ng napansin niyang titig na titig sa kanya ang binata. Agad naman niyang na gets ang ibig sabihin nito kaya dali dali siyang naglakad patungong passenger seat.
Ngunit, bago siya makapasok sa loob may naramdaman siyang kakaibang bagay. Tila ba ay may nakatingin sa kanya bukod sa binata. Kaya naman nilibot niya ng tingin ang paligid hanggang sa makita niya kung sino ang nakatingin sa kanya bukod kay Mikhail.
Tila'y nabuhusan ng malamig na tubig si Sienna ng mapagtanto niya kung sino ito. Para siyang nilublob sa punong puno na yelo at hindi na inahon pa.
"Hey, are you okay?" Bigla naman siyang natauhan ng marinig niya ang boses na iyon.
Pansamantala niyang tinapunan ng tingin si Mikhail sabay tingin sa taong nakita niya kanina. Ngunit wala na ito dito kaya naman na wala ang panlalamig niya ngunit ang takot ay nasa sistema pa rin niya.
"H-huh? A-ah yeah, I'm fine. Sorry" saad niya dito at tuluyan ng pumasok sa loob ng sasakyan.
Hindi na nagsalita pa si Mikhail at agad na inistart ang sasakyan at pinatakbo.
Habang nasa byahe hindi maiwasan ni Sienna na mag-isip. Tila baga ay unti-unti ng mangyayari ang kinatatakutan niya. Ito ang ayaw niyang mangyari. Matagal na panahon na ang bagay na yon at hindi na dapat pa ungkatin pero bakit kung kailan nasa rurok na siya ng tagumpay tsaka magpaparamdam ito ulit.
Hindi alam ni Sienna kung bakit bumalik pa ito. Bakit kailangan pang guluhin ang tahimik at maayos niyang buhay. Ayaw na ni Sienna balikan ang nakaraan dahil kinalimutan na niya ito. Ngunit mukhang ito pa ata ang gugulo sa kanya ngayon.
Kaya naman natatakot siya sa magiging kalalabasan nito. Kaya nga tinanggap niya ang alok ni Mikhail dahil gusto niya ng protection. Speaking of protection, kaya ba siyang protektahan ng binata laban sa kanyang nakaraan? O baka ito pa ang maging daan para lalong maungkat ito.
"Don't stare at me like that, my wife" saad ng binata dahilan para magulat si Sienna.
Sa sobrang lalim ng iniisip niya hindi na niya namalayan na nakatingin na pala siya dito. Humingi naman siya ng paumanhin at itinuon sa iba ang atensyon niya. Sa hindi inaasahan nagulat siya ng kumatok ang binata sa bintana ng sasakyan kung saan siya nakaupo.
![](https://img.wattpad.com/cover/205023458-288-k88798.jpg)
BINABASA MO ANG
W#1: LET ME TASTE YOU 《R+18》
RomantikWARNING R+18: W#1《LET ME TASTE YOU》 "All I want is protection but I found out you're the one who need it because of the pain in your heart." - Sienna Alcazar ATTENTION: THIS STORY ARE COMPOSED OF EROTIC SCENES. BEWARE TO THE WORDS I PUT. NOTE: 18...