W#1: 7

6.9K 86 3
                                    

Ngiti dito, ngiti doon, bati dito, bati doon. Ito ang ginagawa ni Sienna ngayon habang kaharap ang mga bigating businessman na nakakaharap niya ngayon. May mga mangilan-ngilan kasi na kilala siya at pinupuntahan pa siya para magpapicture o di kaya ay inaalok siya na maging model ng company ng mga ito.

Tanging ngiti lamang ang naisasagot niya dahil hindi naman siya ang magdedesisyon nito kundi ang manager niyang si Cassidy. Dahil hindi niya kasama ito, hindi siya makapagdesisyon.

Samantala, sa kabilang banda, abala si Mikhail sa pakikipag-usap sa mga kauri niyang businessman. Suot suot niya pa rin ang walang buhay na ekpresyon habang nakikinig sa mga ito.

Paminsanan ay nahihikab ito at tumatango kapag gusto niya ang mga sinasabi. Kung hindi naman ay kaagad niyang kinokompronta ito upang hindi masayang ang laway at oras niya.

Habang abala si Mikhail hindi niya maiwasang mapatingin sa soon-to-be-wife niya na abala din sa pag-entertain sa mga tagahanga nito. Hindi niya maiwasang magnakaw ng tingin dito dahil parang may kakaibang bagay na nag-uudyok sa kanya na tanging sa dalaga lamang ang mga mata niya.

Hindi naman maiwasang napataas ang isang kilay niya ng may isang lalaki na lumapit dito. Nakita niyang nakipagkamay ang dalaga dito at may pagbeso pa. Kaya naman nilagok niya ang wine na nasa basong hawak niya ngayon habang nakatitig sa dalaga.

Tila nawalan siya ng ganang makipag-usap sa mga kasosyo niya at gusto niyang hatakin paalis sa dalaga yung lalaki. Ngunit hindi niya magawa dahil importante kasi ang pinag-uusapan nila. Kaya naman minabuti niyang ituon ang sarili sa mga kasosyo niya sa business upang makapagtimpi siya.

Abot tenga ang ngiti ni Sienna ng makita niya mismo sa event na ito ang kababata niyang si Nuet. Matagal na rin ng huli silang magkita. Magkaibigan na sila noon pa simula maliliit pa sila hanggang ngayon. Ngunit nawala ang komunikasyon nila ng umalis ito upang mangibam-bansa. Walang mapaglagyan ng saya ang nararamdaman ngayon ni Sienna dahil na sa harap na niya ang kababata/boy bestfriend niya.

"Kamusta ka na" ngiting ngiti na sabi niya dito.

Ito naman ay ngumiti din sa kanya dahilan upang lumabas ang malalim na dimple nito magkabilaan. Mas dumagdag ito sa pagkagwapo nito.

"Eto, sa awa ng Diyos, nakapagtayo na rin ng sariling negosyo" masayang sambit nito sa kanya.

"Mabuti naman kung ganun. Sa wakas, natupad mo na rin ang mga pangarap mo. Parang kailan lang ano? Mga uhugin at iyaking bata pa tayo noon" sabay tawa ni Sienna ng mahina upang hindi siya marinig ng mga kalapit na lamesa kung saan may mga iba't ibang uri ng negosyante.

"Oo nga eh. Parang kailan lang nung sinabi ko na balang araw makakapagtayo rin ako ng sarili kong negosyo. And look at me now, hindi pa rin ako makapaniwala" saad nito sabay ipinatong ang baha sa dalawa niyang kamay na magkasama.

"Kaya nga eh. Even me, I'm------" hindi na niya natapos ang sasabihin ng magsalita ito.

"You're one, no, you're number one sexiest, beautiful, and gorgeous woman in the universe?" Saad nito sabay tinignan siya ng may paghanga.

Natapik na lamang niya ito sa braso at nahihiyang napangiti. Natawa naman ito sa inasta niya at nagpatuloy ang masaya nilang usapan. May paminsanang nagbabaliktanaw sila sa nakaraan at minsan naman ay nagkakamustahan sa buhay nila ngayon.

Halos kuminang tulad sa diamond ang mga mata ni Sienna dahil sa tuwang nararamdaman. Marahil ay na miss niya ng husto ang kaibigan kaya ganito siya ngayon. Kaya naman niyaya niya ito magpicture at pumayag naman ito.

"It such an honor na yayain ako ng isang sikat na model para lang magpapicture" hindi makapaniwalang saad nito.

"Ano ka ba? Ako lang ito oh, your one and only bestfriend" sabi niya sabay kindat dito.

W#1: LET ME TASTE YOU 《R+18》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon