W#1: 30

3.5K 48 4
                                    

Matapos ang mga nangyari hindi maitago ni Sienna ang galit, kaba, at pagkamuhi sa taong naging dahilan ng lahat sa buhay niya.

Ang taong naging dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng iyon. Ngunit sa kabilang banda hindi maitago ang saya ngayon ni Sienna dahil sa wakas magkakasama na rin sila ng Papa niya.

"Pa, ang saya ko dahil magkasama na po tayo ngayon. Akala ko po talaga hindi na kita makikita ulit" saad niya habang nakaangkla ang kamay sa braso ng ama habang naglilibot sa hardin.

"Ako din anak, walang mapaglagyan ang saya ko ngayon dahil sa wakas. Nagkaroon na rin ako ng pagkakataong makasama ka" tinignan naman siya ng ama na halos walang mapaglagyan ang saya.

Nginitian naman niya ito at inihilig ang ulo sa balikat ng ama na medyo matangkad sa kanya.

"Kung buhay lang si Mama, sobrang saya po natin ngayon. Ako, ikaw, at si Mama magkasamang namamasyal dito sa hardin na napakaganda" na lungkot naman si Sienna dahil doon.

"Anak, hayaan mo. Pinapangako ko na magkakaroon ng hustisya ang pagkamatay ng mama mo" saad ng ama dahilan para mapangiti siya.

"Alam ko po iyon papa. I trust your words" saad niya sabay niyakap ng mahigpit ang hraso nito.

Napahawak na lamang ang papa niya sa kamay niyang nakasukbit sa braso nito at masaya nilang nilibot ang hardin. Matapos maglibot ay umupo sila sa isang bench malapit sa ilalim ng malaking puno.

"Pa, alam mo ba na andami kong pinagdaanan marating ko kung ano man ako ngayon" panimula niya "Hindi dahil sa nagrereklamo ako pero parang ganun na nga, joke lang!" Natawa naman sila pareho ng ama.

"Alam mo pa, andaming luha, pagsisisi, pagod ang sinayang ko maging isang maganda at mabuting ehemplong modelo lang ako ngayon. Alam kong nakagawa ako ng isang bagay na pagsisisihan ko pero hindi iyon naging hadlang para matupad ko ang pangarap ko. I know, I'm selfish, greedy but I did this for my dreams" litanya niya habang nakahiga ang ulo sa balikat ng ama niya.

"Your not selfish or greedy, my princess. Alam mo kasi, ang buhay natin hindi madali. Marami itong ay hindi, puno ito ng pagsubok sa buhay. Nasa sayo na lamang iyon kung paano mo haharapin ng buong tapang. Minsan din may magagawa tayong pagkakamali na pagsisisihan natin pero ang pagkakamaling iyon ang nagtutulak sa atin kung paano tayo tatayo sa sarili nating mga paa. That's life, my princess. Our life are full of surprises" mahabang litanya ng ama dahilan para mapatingin siya dito.

Tinitigan niya ang ama lalo na ang mga mata nito. Bigla namang may pumasok sa isip niyang isang tao. Isang tao na may pagkakahawig sa mga matang ito.

Mikhail....

Nang banggitin ng isip niya ang pangalan ng lalaki tumibok ng mabilis ang puso niya. Sobrang bilis nito dahilan para hindi niya maintindihan. May kung ano kasing kagalakan sa puso niya ngunit may bahid ng sakit.

"Anak, may itatanong ako sayo" saad nito para matauhan siya.

"Ano po iyon?"

"Paano kayo nagkakilala ng lalaking iyon?" Kumunot naman ang noo ni Sienna.

"Sino po? Si Mikhail?" Tanong niya dito.

"Sino pa ba?" Balik na tanong sa kanya nito.

Natahimik naman siya at namumulang napa iwas ng tingin sa ama. Hindi naman niya kasi pwedeng sabihin na dahil sa kalasingan kaya sila nagkakilala lalo na dahil sa may nangyari sa kanilang dalawa.

"Ano po kasi.....Paano ba?" Nag-isip na lang siya ng ibang dahilan para makaiwas sa galit ng ama. Baka kasi bulayawan siya nito ng wala sa oras.

W#1: LET ME TASTE YOU 《R+18》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon