Hindi alam ni Sienna kung saang lugar siya ngayon dinala ng lalaking nakamaskara. Hingal na hingal sila pareho at pakiramdam ni Sienna ay bibigay na ang tuhod niya.
"N-nasaan na ba tayo?" Sabay humigop siya ng hangin dahil sa hingal.
"Hindi ko alam. Basta ang mahalaga malayo na tayo sa kanila" saad nito sabay tumayo ng tuwid at inayos ang maskara sa mukha.
Napatingin naman si Sienna dito at pinagmasdan ang kabuuan ng maskara nito. Natuon naman ang mata niya sa mata nitong kulay lila.
I saw it somewhere....
"Let's go, Miss Sienna baka matunton nila tayo dito" saad nito sabay nauna ng maglakad.
Sinunod na rin naman ito ni Sienna at sumabay sa paglalakad nito. Habang naglalakad may nakita silang elevator at doon sila sumakay.
"Sigurado ka bang dito ang daan palabas dito?" Nag-aalangan niyang tanong.
"Nakasisiguro po ako, Miss Sienna" saad nito habang may tinitipa na kung ano sa cellphone nito.
Nagulat naman si Sienna ng biglang tumunog ang elevator hudyat na magbubukas na ito kaya naman itinabi ng kasama niya ang cellphone at lumabas sa elevator na parang walang nangyari.
Nagtataka namang sinundan na lang ito ni Sienna at tumungo sila sa parking lot. Doon nakahinga na ng maluwag si Sienna.
"Salamat dahil nakaalis na rin tayo sa lugar na iyon. Salamat din at niligtas mo ako." Sinserong saad niya dito ngunit hindi man lang nito makita ang emosyon ng lalaki dahil nakatakip ng maskara ang mukha nito at tanging kulay lilang mga mata lamang ang nakalabas.
"Wala po iyon. It's my job to protect you no matter what happened" kumunot naman ang noo ni Sienna dahil doon.
"Huh? Job? What do you mean?" Takang tanong niya dito ngunit hindi naman siya sinagot nito dahil huminto ito sa isang kotse at pinagbuksan siya ng pinto.
"Hope in, Miss Sienna" magalang na saad nito.
Nag-aalangan man ngunit sinunod na lang niya ito dahil ito rin naman ang nagligtas sa buhay niya."T-thank you" sabay pumasok siya sa loob at sinara naman nito ang pinto.
Umikot naman ito patungong driver seat at sumakay na sabay inistart ang kotse. Dahil doon napanatag na ng tuluyan ang loob ni Sienna ng makita niya ang mga pamilyar na tanawin.
Ngunit bigla namang pumasok sa isip ni Sienna ang mga matang walang emosyon. Naalala niya iyon kay Mikhail at kay Orlando. Kaya naman pala parehong pareho ito. Nakapagtitignan ka ay hahalukayin ang buong pagkatao mo.
Ngunit bakit tila para sa kanya ay kakaiba ang mga matang iyon. Tila ba ay may sinasabi ang mga matang iyon sa kanya.
Bigla namang nakaramdam ng antok si Sienna dahilan para humikab siya ng humikab. Unti-unti namang bumibigat ang talukap ng mga mata niya.
"Excuse me" tawag niya sa lalaking nakamaskara.
"Ano po yun Miss Sienna?" Plain na saad nito habang nakatingin sa rearview mirror.
"Kasi......kasi ina.....inaantok ako" tuluyan namang nakatulog si Sienna dahil hindi na niya nakayanan pa ang antok.
Ngunit bago makapikit ng tuluyan ang mga mata niya may pamilyar na tao siyang nakita. Isang taong kinamumuhian niya.
NAPABALIKWAS NAMAN ng bangon si Sienna dahil sa isang panaginip. Isang panaginip na dahilan kung bakit siya naulila. Isang panaginip na laging nagpapaalala sa kanya na nag-iisa na lamang siya.
BINABASA MO ANG
W#1: LET ME TASTE YOU 《R+18》
RomanceWARNING R+18: W#1《LET ME TASTE YOU》 "All I want is protection but I found out you're the one who need it because of the pain in your heart." - Sienna Alcazar ATTENTION: THIS STORY ARE COMPOSED OF EROTIC SCENES. BEWARE TO THE WORDS I PUT. NOTE: 18...