W#1: 16

4.8K 55 4
                                    

"Miss Sienna, take na po tayo" sambit ng isang staff sa kanya.

Siya naman ay agad na sinarado ang bote ng tubig at nilunok ang tubig na nasa loob ng kanyang bibig.

Pinunasan lang niya saglit ng tissue ang bibig at sabay nagtungo na sa studio.

Pagkadating niya doon agad siyang nagtungo sa gitna kung saan nakatutok sa kanya ang camera at ilaw.

Paiba-iba ang post niya habang hawak hawak ang isang bag na nagkakahalaga ng million at alahas na nakakasilaw sa kinang. Matapos nagpalit naman siya. Ngayon naman suot suot niya ang bracelet nagawa pa sa jade at diamond.

Ipinakita niya ito sa camera sa pamamagitan ng paghawak niya sa kanyang labi at kagat kagat ang isang daliri habang naka-fierce.

Sumunod naman niyang i-model ay ang sandals na gawa sa glass na may malaking diamond sa gitna habang may mga maliliit na jade sa gilid nito upang maging glitters sa tingkad ng kulay.

Manghang mangha naman ang mga nakakakita dito. Maging ang photographer ay puring puri siya dahil sa ganda ng mga pinapakita niyang post.

Halos lahat ay isang shot lang dahil nakukuha niya agad ang tamang anggulo na gusto nito. Naipaparating niya agad ang mensahe sa pamamagitan ng pag post lang.

"Wow! Your indeed a goddess" manghang saad ng photographer na ikinatawa niya na lang.

"Well, thank you for that compliment" sinserong saad niya dito sabay nginitian.

"It's my pleasure" agad na sabi nito sabay nagpahinga ulit sila.

Agad naman siyang nagtungo sa room kung saan naandoon ang mga gamit niya. Nang makapasok ay agad niyang inilapat ang pang-upo sa kanyang swivel chair at agad sumandal.

Agad naman siyang niretouch ng kanyang make-up artist habang minamasahe ng P.A niya ang paa niya.

"Why you're so unfair?" Anang sambit ng kanyang make-up artist habang inaayusan siya.
Kumunot naman ang noo niya sa sinabi nito.

"Why?" Tipid niyang saad dito habang hinahayaan lang niyang ayusan siya.

"Coz you look fresh parin, Miss Sienna samantalang kaming naandito ay haggard na" natatawang saad nito na ikinangisi din ng P.A niya.

"Kaya nga po eh. Iba talaga pag maganda kahit anong gawin maganda pa din" dagdag ng P.A niya habang dahan dahang minamasahe ang nangangalay niyang paa.

"Hindi na kayo na sanay. Inborn eh kaya wala tayong magagawa" pagbibiro niya sa dalawa kaya nagtawanan sila.

"Sabagay bakit pa ba kami magtataka kaya nga nakuha ka sa isang prestigious company eh dahil naakit sila sa ganda mo" anang make-up artist sabay pumalakpak pagkatapos siyang ayusan.

"Maganda na ay mali, Pinakamaganda ka na ulit!" Masayang tugon nito na ikinatawa na lang niya.

"Okay na po ba ang paa niyo Miss Sienna? Hindi na po ba nangangalay?" Saad ng P.A niya habang nakatingin sa kanya.

"Hindi na. Salamat. Salamat sa inyong dalawa" sabay ginawaran niya ito ng matamis na ngiti na inokehan naman ng dalawa.

Matapos ang ilang minutong pahinga tinawag na naman siya. Kaya nagpaalam siya sa dalawa at agad nagtungo sa studio.

Nakailang shots, palit, at retouch si Sienna ay sa wakas tapos na ang trabaho niya.

Nagpalakpakan naman ang lahat dahil natapos na din ang shoot. Nagpasalamat siya sa mga staff at sa mga taong nagtulong tulong upang matapos ang shoot nila.

W#1: LET ME TASTE YOU 《R+18》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon