Click dito, Flash doon, Perfect dito, Perfect doon.
Ayan lang naman ang mga bagay na nangyayari mula umaga hanggang hapon kanila Sienna at Drew. Ngayon kasi ang araw na magkasama sila sa iisang trabaho.
Napag-alaman niya kasi na kakapirma lang din ni Drew sa bagong endorsement na pinirmahan din niya kaya wala siyang magawa kundi makipagtrabaho dito and act like a professional one.
"Perfect! Okay let's take a break for a moment." Saad ng director photographer sa kanila.
"Thank you everyone!" Masayang saad ni Sienna sabay nag vow pa sa kanila kaya ginaya rin siya ng mga ito.
Umalis na naman na si Sienna sa studio at tumungong kwarto niya para doon magpahinga. Ngunit wala pa nga siya sa pupuntahan niya ng harangin siya ni Drew.
"It's nice working with you, Miss Sienna. It's been a while since I have a co-model like you. Your really a pro!" Masayang bati nito sa kanya na ikinatingin niya lang dito ng plain.
"Thanks for the compliment" saad niya sabay nilagpasan niya ito ngunit hinarang na naman siya.
"We'll, Miss Sienna if you don't mind can I take some precious time with you?" Nakangiti nitong saad na ikinakunot ng noo ni Sienna.
"What do you want?" Kunot noong tanong niya.
"Hmmm, I wanna talk to you privately" saad nito na halatang nahihiya.
"Why?" Tipid na tanong niya dito.
"I don't know but I'm just wann------" hindi na nito natapos ang sasabihin ng biglang tumunog ang phone nito dahilan para mag-excuse ito.
Napapantistakuhan naman niyang sinundan ng tingin si Drew. Napansin niyang parang namutla ito at pekeng napangiti sa kanya.
What's wrong with him?
Napabuga na lamang ng hininga si Sienna at nagpatuloy sa paglalakad.
Nang makarating na sa kwarto ay agad siyang umupo sa mahabang sofa at hinubad ang heels niya sabay ipinatong ang mga paa sa mesang kaharap nito.
Kanina pa kasi nangangalay ang mga paa niya dahil sa napakataas ng heels niya.
"How's your first day with that man, beb?" Tanong ni Niks na kakapasok lang sa kwarto niya.
"Okay naman, he's a pro" saad niya sabay humiga sa sofa.
"Are you okay?" Out of nowhere na tanong ni Niks dahilan para mapatingin siya dito.
"Huh? Why did you asked?" Takang tanong niya.
"Sagutin mo na lang ang tanong ko sayo" Napalabi naman si Sienna dahil dito.
Hindi niya kasi alam ang isasagot sa simpleng tanong ng kaibigan niya. Napakasimple lang nito na madali mong masasagot pero bakit ngayon parang nahihirapan siya.
Bumuga na lamang siya ng hininga at napagpasyahang huwag na lang sagutin.
"I guess it's your answer" sabay nagkibit balikat ito "Oh siya, alis na ako. May aasikasuhin pa kasi ako eh. Good luck" saad nito sabay tanging pagsara na lamang ng pinto ang narinig niya.
Napatingin naman siya sa pinaglabasan ng kaibigan. Ngayon niya lang kasi napansin na palaging umaalis ito.
Palaging may inaasikaso. Siguro may problema ang kaibigan niya na hindi man lang niya nabibigyan ng pansin dahil sa problema niya.
Haytsss, what kind of friend is me? Hindi ko man lang matanong kung ano ng nangyayari sa kanya.
Nakaramdam naman ng lungkot si Sienna dahil doon at napalalim ang buga niya ng hininga.
BINABASA MO ANG
W#1: LET ME TASTE YOU 《R+18》
RomanceWARNING R+18: W#1《LET ME TASTE YOU》 "All I want is protection but I found out you're the one who need it because of the pain in your heart." - Sienna Alcazar ATTENTION: THIS STORY ARE COMPOSED OF EROTIC SCENES. BEWARE TO THE WORDS I PUT. NOTE: 18...