"She's leaving right now, bro" ani ni Grey kay Mikhail habang humihithit ng sigarilyo ang binata.
Napakuyom naman ni Mikhail ang kanyang kamao sabay buga ng usok. Napaubo naman si Grey dahil dito ngunit hindi na lamang niya ito pinansin.
Pinatay naman niya ang baga ng sigarilyo sabay umalis at tumungong sala kung saan naandoon ang dalaga. Nang makarating siya nagkatinginan silang dalawa nito at nginitian siya ni Sienna.
Bigla naman siyang napahinto sa kanyang pwesto.
"I'm leaving" saad ni Sienna sa kanya at siya naman ay napatango lang.
Ngumiti ulit ang dalaga sa kanya sabay umalis na. Samantalang siya ay nanatili lang nakatayo at hinayaang mawala sa harapan niya ang dalaga. Nang tuluyang makaalis na ang dalaga saka pa lamang siya nakagalaw at nagtungo sa terrace kung saan kita ang labas ng bahay nila.
Pinagmasdan niya ang dalaga mula sa malayo at napakuyom lamang siya ng kamao dahil ayun na naman ang ngiti ng dalaga. Ang ngiting hindi niya alam kung bakit ayaw niya dito.
"It’s her right?" Saad ni Grey na kanina pa pala nakatingin sa dalaga.
Siniko naman niya ito dahilan para makuha niya ang atensyon nito.
"It looks like I'm right" natatawang saad nito.
"I didn't say you’re wrong" malamig na saad niya dito.
"Why her?" Anang kaibigan habang seryosong nakatingin sa kanya.
Hindi na lamang niya ito inimik. Tinignan na lamang niya ang dalaga habang papasakay sa isang kotse na pagmamay-ari niya sabay nagpangalumbaba siya.
"She's famous" nasabi na lamang niya.
"And?" Saad ng kaibigan niya habang sumandal sa bakal ng terrace.
"And beautiful. I can use her" saad niya dito sabay tumayo ng maayos at tumingin sa kaibigan "She's my bait to those idiots who wants to knock off of me"
Hindi naman nakaimik ang kaibigan dahil sa sinabi niya. Nakatingin lamang ito sa kanya na para bang binabasa ang laman ng isip niya.
"That's it? No personal feelings?" Saad na naman nito sa kanya.
Ngayon siya naman ang natameme at hindi makapagsalita. Alam niyang may kakaiba sa kanya sa tuwing kasama niya ang dalaga o di kaya nababanggit ang pangalan ng dalaga.
"Yeah" tipid na saad niya dito sabay pumasok na sa loob.
Dumeretso naman siya sa kwarto niya ngunit bago yun ay may napansin siyang panyo na nakalagay sa sofa. Kulay blue ito na may pink sa gilid at may nakaukit na S&M.
Hindi niya alam pero bigla siyang nakaramdam ng kung ano sa panyo at inis niyang inihagis ito kung saan. Napansin naman iyon ng kaibigan niya dahil saktong sakto lang ito sa pagpasok.
"What happened?" Tanong nito sa kanya.
"Nothing and leave moron!" Saad niya dito na tinawanan lang ng isa.
"When is the wedding?" Pag-iiba ng usapan ni Grey.
"This coming week." Saad niya sabay nagpatuloy sa paglalakad at tumungo na ng kwarto.
Agad naman niyang ibinagsak ang katawan sa malambot niyang kama at sabay ipinikit ang mata. Ngunit, naidilat niya rin ito sabay napahawak sa sintido niya. Hindi niya alam kung bakit pero ang ngiti ng dalaga ang nakita niya ng ipinikit niya ang kanyang mata.
BINABASA MO ANG
W#1: LET ME TASTE YOU 《R+18》
RomanceWARNING R+18: W#1《LET ME TASTE YOU》 "All I want is protection but I found out you're the one who need it because of the pain in your heart." - Sienna Alcazar ATTENTION: THIS STORY ARE COMPOSED OF EROTIC SCENES. BEWARE TO THE WORDS I PUT. NOTE: 18...