Maagang natapos ang unang shoot ni Sienna dahil sa palaging tama at perpektong mga anggulong nakukuha sa kanya.
Kaya hindi nakapagtatakang laging maraming pumipilang mga kilalang branded na mga damit, sapatos, alahas, at ano pang mga bagay na tiyak pumapatok pag isinasapubliko ito matapos niyang suutin o gamitin.
"Ambilis talaga matapos ng trabaho natin pag si Miss Sienna ang kasama natin" natutuwang saad ng isang staff.
"Sinabi mo pa. Hindi mo kasi kakikitaan ng mali eh tsaka mabait pa" dagdag naman ng isang staff.
Hindi naman mapigilang mapangiti ni Sienna dahil sa papuring narinig. After all siya pa rin ang tinatangkilik ng mga tao kahit na dumating na ang kontrabida este ang reyna ng rampahan.
Speaking off. Bigla namang dumating ang babaeng nasa isip lamang ni Sienna.
Ngiting ngiti ito habang suot suot ang inosenteng mukha.
Hindi pa rin nagbabago ang hubog ng katawan nito dahil sa suot na damit na talagang kumukurba dahil sa sikip nito.
"Hello sa inyo!" Masiglang bati nito sa lahat.
Napahinto naman ang mga tao sa mga kani-kanilang ginagawa maging si Sienna napahinto sa paglalakad at nakatingin lang dito.
"Hello po Miss Lathea, welcome back po" bati ng mga staff na agad naman tinugon nito.
Napairap naman sa ere si Sienna ng hindi niya namamalayan. Napataas naman ang kilay niya ng biglang tumingin sa kanya si Lathea at nginitian siya ng napakatamis.
Bigla namang kumulo ang dugo ni Sienna dahil doon at gusto niyang sampalin ang babae pero dahil professional siya hindi na lang niya gagawin. Ayaw niyang masira ang imahe niya dahil lang sa isang kirida.
Kirida. Tama, ang babaeng walang habas kung lingkisin ang asawa niya. Lalo na nung gabing nahuli niya ang dalawa. Andami namang lugar na gagawan ng ganoon bakit napili pa sa bahay nila.
Napakuyom naman bigla ni Sienna ang kamo dahil sa naisip. Akala niya makakalimutan na niya ang gabi ng kataksilan ngunit naalala na naman niya dahil sa babaeng ito. Akala mo kung makangiti walang ginawang masama.
"Hi Sienna, it's been a long time since we're together in one company" saad nito sabay kumaway pa sa kanya ng makalapit ito.
Inayos naman ni Sienna ang sarili at pinipigilang sampalin ang kaharap dahil sa nararamdaman niyang init ngayon. Init hindi dahil sa taglay ng panahon kundi init sa galit.
"Yeah" tipid niyang sagot dito.
"Wala ka pa ring pinagbago. Maganda ka pa rin" papuri nito na ikinataas ng kompyansa niya.
"Inborn eh. Ikaw din maganda ka pa din naman" balik papuri niya dito pero ang totoo ay napipilitan lang siyang purihin ito.
Natawa naman ang isa at parang pabebeng kinikilig dahil napuri siya. Dahil doon sumama ang sikmura ni Sienna.
"Ikaw talaga. Anyway, kamusta ka na? Huli nating pagkikita isa ka palang rookie sa mundo ng pagmomodelo pero ngayon, masaya akong nalagpasan mo na ang pagiging rookie" mahabang litanya nito.
BINABASA MO ANG
W#1: LET ME TASTE YOU 《R+18》
RomantikWARNING R+18: W#1《LET ME TASTE YOU》 "All I want is protection but I found out you're the one who need it because of the pain in your heart." - Sienna Alcazar ATTENTION: THIS STORY ARE COMPOSED OF EROTIC SCENES. BEWARE TO THE WORDS I PUT. NOTE: 18...