Tahimik lang na pumasok sa loob ng bahay si Sienna habang si Mikhail ay dala dala ang gamit niya. Pinayagan na rin kasi siyang umuwi ng doctor kaya naman laking pasalamat niya at hindi na niya maaamoy ang amoy ng hospital.
Hindi kasi siya komportable sa amoy ng hospital kaya ganoon na lamang ang pasasalamat niya ng makalabas na siya. Ngunit kung gaano kalaki ang pasasalamat niya ay ganoon din kalaki ang dismaya niya ng makitang hindi pa rin tapos ang pagrenovate ng kwarto niya.
Dalawang araw na nga siya sa hospital pero hindi pa rin tapos ito. Pinangakuan kasi siya ng nagrenovate nito na matatapos ito sa dalawang araw pero dalawang araw na ang nakakalipas ay nasa kalahati pa lang ng disenyo ang nagagawa.
Kaya naman ay mabigat ang mga balikat na pumasok sa kwarto ng asawa niya at umupo sa isang mahabang sofa na nakalagay sa paanan ng kama.
Napalingon naman ang mga mata niya ng bumukas ang pinto ng kwarto at niluwa noon ang asawa. Napatingin naman ito sa kanya na agad niyang iniwas.
Isa rin ito sa nagpapabigat ng loob niya dahil hindi manlang nito nagawang protektahan siya.
Nalapitan pa rin siya ng taong iyon at isa pa, pinangakuan siya nitong pupuntahan siya sa studio na hindi naman ginawa.
And the reason is. He changed his mind.
"Are you tired?" Tanong nito sa kanya ngunit hindi naman niya ito kinibo.
Ipinikit na lamang niya ang mga mata upang hindi makita ang pagmumukha ng asawa.
Bigla naman niyang naidilat ang mata ng buhatin siya nito at ihiga sa kama."There. Much better" walang emosyong saad nito sabay lumabas ng kwarto.
Napapantistakuhan naman niyang tinignan ang pinaglabasan ng asawa. Ano na naman kaya ang pumapasok sa isip nito.
Hindi na lang pinansin iyon ni Sienna at inalis ang mga bumabagabag sa kanya upang makapagpahinga siya.
TAHIMIK lang na nagluluto ng makakain si Sienna habang ang yayang naka-asign sa kusina ay kinukulit siyang magpahinga na lang pero hindi siya nakikinig dito.
Nakikiusap ang katulong sa kanya dahil baka tanggalan siya ng trabaho pero nginingitian niya ito at sinasabing siya na ang bahala.
Ngunit natigilan naman ang katulong at parang binuhusan ng malamig na tubig ng makita ang amo.
Agad na nagsalubong ang kilay niya at tumingin kung saan nakatingin ang katulong.
Tinaasan niya lang ito ng kilay at agad na tinuon ang sarili sa pagluluto."Yaya Adel, ako ng bahala dito. Magpahinga na lang po kayo" utos niya dito sabay tinapik ito sa balikat.
"P-pero ma'am pagagalitan ho ako ni Sir. A-ako na po ang bahala sa pagluluto" nangangambang saad nito ngunit hindi niya pinansin bagkus ay hinarap niya ito at ngumuso habang hindi pinapansin ang asawa na nakatayo lang sa gilid malapit sa refrigerator.
"Yaya Adel, okay lang nga eh. Tsaka gusto ko magluto dahil namimiss ko na ang luto ko. This past few days kasi naging busy ako kaya parating luto niyo or take-out ang kinakain ko" bigla naman siyang napabuntong hininga ng nagmamakaawang nakatingin sa kanya si Yaya Adel.
"Pero ho ma'am gawain ko ho kasi ang magluto" napabuntong hininga ulit siya sabay hawak hawak ang sandok na tinuro niya ito.
"Yaya Adel I al-----" hindi na natapos ang sasabihin niya ng magsalita ang asawa.
"It's okay Yaya Adel. Let her be" walang emosyong saad nito na agad sinunod ng yaya adel dahilan para mapangiti siya.
Ngunit nawala agad yun ng makita niya ang mukha ng asawa.
BINABASA MO ANG
W#1: LET ME TASTE YOU 《R+18》
RomanceWARNING R+18: W#1《LET ME TASTE YOU》 "All I want is protection but I found out you're the one who need it because of the pain in your heart." - Sienna Alcazar ATTENTION: THIS STORY ARE COMPOSED OF EROTIC SCENES. BEWARE TO THE WORDS I PUT. NOTE: 18...