W#1: 15

4.9K 54 3
                                    

Breaking NEWS: A famous model Miss Sienna Alcazar signed a contract with the MM Company.

Breaking NEWS: Are the Dating Rumors true after the shocking revelation about the signing contract? And the news about the wedding that Mr Mikhail talked about?

Breaking NEWS: Are these two famous people into a deep relationship?

Bilang lang yan sa mga headline balita ngayon matapos niyang permahan ang kontrata nilang dalawa ni Mikhail. Lihim sana ito ngunit hindi pumayag ang asawa dahil gusto niyang iparating na sa kanya na ito magtatrabaho.

Kilala ang company ng asawa niya hindi dahil sa malago ito kundi isa na rin ang paghahawak ng mga modelo na kilala sa buong mundo.

Dahil sa ginawa niya ay mas lalong nag-ingay ang mundo ng showbiz and firms. Halos araw araw ay siya, ang asawa at ang kompanya ng asawa niya ang laman ng balita.

Matapos kasi silang ikasal ng lihim dahil tanging piling mga tao lang ang dumalo dito. Mga taong mapagkakatiwalaan nila.

Matapos noon ay agad isinagawa ng asawa niya ang plano. At isa na nga ito, ang pagpirma niya ng kontrata.

Hindi naman siya tumanggi pa dahil para rin naman sa kanya ito. Kaya kaliwa't kanan ngayon ang proyektong ibinigay sa kanya at tinanggap niya ito ng buong puso.

Subalit kaliwa’t kanan din ang mga reporters na gusting malaman ang totoo sa likod ng pagpirma niya ng contrata sa company ng asawa niya. Mali, sa secret husband niya.

Hindi na niya inalintana ito at pagod pati ang gutom dahil ayaw niyang mapahiya.

Kaya naman laking tuwa niya ng matapos lahat ang ginagawa niya ngayong araw.

"Baby Sie, are you okay?" May pag-aalalang tanong sa kanya ni Cassidy ang manager niya.

"Yeah but tired" totoong sabi niya dito sabay isinandal ang likod sa swivel chair niya.

"Ano ba yan? Kakatapos lang ng kasal mo nagtrabaho ka kaagad." Mahinang saad nito sabay naghigit ng isang upuan at tumabi sa kanya.

Siya naman ay ipinikit na lang ang mata sabay isinandal ang ulo sa sandalan ng swivel chair niya.

"It's okay. Napagkasunduan na naman namin ito" saad niya at halatang pagod na pagod siya dahil sa bigat ng hiningang inilalabas niya.

"Hayts..... Pero kahit na, dapat man lang nagpahinga ka" halata ang iritado sa boses nito.

Siya naman ay idinilat ang mata sabay tumingin sa kisame.

"It's my choice, miss cass" saad niya dahilan para hindi na umimik ang manager niya.

"Hey beb! You look awful" saad ni Niks ng makapasok sa room  niya.

Hindi naman niya ito tinignan bagkus ay ipinikit ulit ang mata.

"Yeah coz I'm tired" saad niya sa kaibigan.

"Hindi nga halata eh" sabay upo nito sa pag-isahang sofa. "So how's your night as a Mrs. Miller?" Panimula nito.

"Am I Mrs. Miller now?" Tanong niya pabalik dito.

Nagkatinginan naman ang dalawa sabay tumingin ulit sa kanya.

"Huh? Yes coz you two are married?" Takang saad ni Niks sa kanya.

"Yeah we're married" may diing saad niya sa bawat letra.

Nagtaka naman ang manager niya at ang kaibigan niya sa makahulugang sinabi niya.

"Why am I smelling something?" Saad ulit ni Niks sabay pinagkrus ang braso at umupo ng tuwid.

W#1: LET ME TASTE YOU 《R+18》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon