W#1: 27

3.2K 39 1
                                    

Breaking News: After One week of being HIATUS. Finally our Queen is back. Sienna Alcazar is now back in the Model Industry.


Ayan ang headline ng balita ngayon habang tahimik na nanonood si Sienna ng balita. Kaya naman inilipat niya ng channel ngunit laging siya ang laman nito kaya naman bagot na pinatay niya ang TV at humiga na lamang sa sofa.

Doon ay inilapat niya ang likod sabay ipinikit ang mga mata. Iwinaksi niya ang maraming isipin at pinalitan niya ito ng blanko.

Makalipas kasi ang dalawang araw ng bumalik siya marami agad na gustong kuhain siya lalo na ng malamang tapos na ang kontrata niya sa MM Company.

Kaya naman sa loob ng dalawang araw hektik agad ang trabaho niya pero hindi niya iyon pinansin dahil hindi na naman na bago sa kanya ang ganoong scenario.

What a fool?!

Napangisi na lamang siya sa kanyang iniisip at ipinikit ang mga mata sabay iwinaksi ang lahat ng mga gumugulo sa isip niya.

Naimulat naman ni Sienna ang kanyang mga mata ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Inabot naman ni Sienna ang cellphone na nakalagay sa lamesa malapit lang sa kanya.

"Sienna speaking!" Sagot niya sa tawag ng maabot niya ang cellphone.

"Baby Sie! Salamat naman at sinagot mo ang tawag ko, akala ko iisnabin mo eh" saad ng manager niya sa kabilang linya. "Anyway, let's have some fun later, okay?!" Masayang sambit nito.

Nanahimik naman si Sienna at nag-isip kung sasama ba siya o hindi.. Siguro, panahon na rin para magsaya siya at alisin na ng tuluyan ang mga bagay na nagpapastress sa kanya.

"Okay, I'm in" sabay pinatay niya ang tawag at napatitig sa kisame.

It's been a while since they have fun. Kaya naman hindi niya palalagpasin ito. At isa pa, para narin makabawi sa isang linggong pagmumukmok niya. Kaya naman tumayo na si Sienna upang mag-asikaso na.

Tumungo siya sa kanyang banyo at ibinabad ang kurbang katawan sa bathtub. Doon ay ipinikit niya ang mata habang dinadama ang lamig ng tubig at sinabayan pa ng mabangong amoy na sabon.

This feels good

Aniya habang nakababad ang katawan sa tubig. Matapos ang tatlong-pung minuto ng pagbababad nagpasya na si Sienna na mag banlaw.

Matapos ang isa't kalahating preparasyon nagpasya na siyang umalis at tumungong THE BARB dahil tinext na siya ni Cassidy ang manager niya na naandoon na ang mga ito.

Kaya walang pag-aalinlangang sumakay si Sienna ng taxi at nagtungo sa lugar na iyon.

Habang nasa taxi hindi niya maiwasang magtingin tingin sa mga lugar na nadadaanan nila.

Ganun pa din naman ito, walang pinagbago, mga gusaling matataas, kalsadang hindi mawalan ng sasakyan, mga taong paruon at parito, at higit sa lahat mga ilaw na nagbibigay liwanag sa madilim na kapaligiran.

"Ma'am nandito na po tayo" saad ng driver dahilan para mapukaw ang atensyon niya.

"Ganun ba? Here's my credit card" sabay abot niya dito na agad namang tinanggap ng driver at swinayp agad sabay abot sa kanya ulit nito.

W#1: LET ME TASTE YOU 《R+18》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon