Chapter 6

138 19 36
                                    

LTW 6

Win

It was a question why these people— Aeiou, Aeia and Felicie were sitting in front of us.

“Oo nga e. Pinilit lang naman kasi kami ng adviser namin na sumali sa quiz bee. Saka hindi nga namin naisip na mananalo kami, ‘di ba Win?” sambit ni Allyson habang nakangisi kay Felicie, pero inirapan lamang siya nito.

Parang mga bata.

Imbes na sumagot ay tumango na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

I knew I wasn’t even friendly to have them with us. Boring ako kausap, kaya bakit sila nambubulabog sa oras ma 'to?

Hindi tuloy ako maging mapayapa. Ang ingay nila.

Patuloy pa silang nag-usap, at ako na lamang ang may sariling mundo.

“What? Famous ka pala Twinny! Benta na kaya kita, 150 isang gabi gano’n,” panunukso ni Aeia sa kakambal habang tumatawa pa. “Kaya pala dami ka chocolate na uwi lagi sa bahay ha, tapos ‘di naman namimigay.”

Lalong umingay.

Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagtapos ng aking kinakain para makaalis na. Nakapag-sorry na rin naman ako kahapon kay Aeiou kaya ayos na kami. Ayoko nang makipag-usap pa.

Pero hindi lang pala ako ang tahimik.

Ramdam ko ang pagkailang niya sa ‘kin nang magtagpo ang mga mata namin. Siya ang unang umiwas, hindi ko na pinansin pa.

Nang matapos ako, agad ko silang tinignan. Nag-aasaran pa rin. Mukhang hindi nila ako napapansin— which was good.

I’d always prefer invisibility rather than spotlight.

Pasimple kong dinanggil si Allyson na katabi ko, but as I did that, the twin also gave me a look.

 It was akward. Biglang tumahimik. Biglang nawala ang invisibility na mayroon ako.

Tipid na lamang akong ngumiti. “I’ll be going, maiwan ko na kayo.”

Agad akong tumayo bitbit ang tray ko, ngunit bago pa ako makalayo, nagsalita si Felicie na kagaya ko’y kanina pang tahimik. “Saglit, sama ako.”

Then she stood too, with her tray, making my forehead crease.

Hanggang sa makarinig ako ng sipol kay Aeia, at nakita ko ang biglang pagngiwi ni Felicie sa kambal.

Sinabihan ko ang sarili kong kumalma.

Sabi na nga ba e. It was all planned.

Umuna siyang maglakad sa ‘kin at dinala ang tray do’n sa may lagayan ng mga hugasin. Napapailing akong sumunod sa kaniya at mabigat sa loob na sinamahan siyang lumabas ng cafeteria.

Tinahak ko ang daan papuntang library, pero lalo akong nakaramdam ng inis nang mapagtantong sumusunod siya sa ‘kin.

Pambihira.

What were they planning? Kaibiganin ako, para ano? Para hindi ko sila malamangan? Mga tao nga naman.

Isinawalang bahala ko na lamang ang naiisip ko. Ayoko ng stress.

And as we kept on walking, the silence reigned between the two of us. For the first time, I became uneasy to it. It appeared to be not peaceful unlike the way it could calm me before. Maybe it was because of her. She was scary. . . a bit.

Ayokong matarayan niya. Wala akong oras para roon.

Nang makarating kami sa library, agad akong nagtungo sa librarian to know how I could assist her this time. Dahil scholar kami ni Allyson sa school na ‘to, the administrators decided to make us their student assistants. Hindi naman na kami tumanggi, wala naman nang libre sa panahon ngayon. Lahat pinaghihirapan.

Losing To Win (Lost Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon