Win
Months had already passed and everything was getting alright— somehow.
It was December already and Christmas was coming. Parang kailan lang simula pa lang ng klase at kalaban ko pa siya.
Parang kailan lang kinukulit niya pa ako kung bakit chemical bond ang sagot ko sa quiz bee.
Buti na lang makulit si Felicie noon.
Ang bilis lumipas ng oras. . . lalo na't kasama ko siya.
“Wow. . . ang ganda,” manghang-mangha niyang sambit habang nakatingin sa christmas tree na inayos namin.
Ang mga dekorasyong nakaikot dito'y walang tigil sa pagkinang. Mula sa kulay gintong bituin na nasa itaas hanggang sa mga pekeng bulaklak at maliliit na bilog na pwede nang pagsalaminan.
At nang dumako ang paningin ko sa kaniya, ang ilaw ng mga iyon ay tila sumasayaw sa kaniyang maaliwalas na mukha at sa puting sweater na kaniyang suot.
Maging ako'y napangiti. And as our eyes met, the beating of my heart went apace.
Beautiful was understsatement to describe her.
Kahit ilang minuto ko yata siyang titigan ay hindi ako magsasawa.
Agad kong hinawakan ang kaniyang kamay.
“I love you Win,” and when she said that, I laid her head on my shoulder.
Nanatili kaming ilang minuto lamang na nakatayo habang ang araw sa labas ng bintana'y unti-unti nang nalubog. Habang ang katahimikan sa kanilang salas ay nagbibigay kapayapaan sa 'min.
Lalo ko pang hinigpitan ang kapit ko sa kaniya, saka hinilakan ang kaniyang noo.
“I love you too, I love you.”
—————
Nang dumating sa Allyson at si Aeia sa bahay ni Felicie ay muli nang binalot ng ingay ang paligid.
Kapag talaga sila ang nagsama-sama, ang ingay ng lahat.
And thanks to her, I didn't hate noice anymore. I wasn't alone anymore— hindi na ako ang dating Win na mababa ang tingin sa sarili ko.
Felicie was indeed the best thing that happened to my life. And her remission was a gift to us. Sana talaga magtuloy-tuloy na, sana.
“Hoy kalbo, 'yong regalo ko ha, 'wag mong kalilimutan,” sambit ni Allyson habang kumakain kami sa hapagkainan.
Tuwing Biyernes ay napag-usapan na naming dito na kami sa bahay niya uuwi, at hanggang Sabado na iyon ng hapon para hindi naman siya palaging mag-isa.
Pero ang totoo, halos araw-araw na akong nandito. Nauwi pa naman ako kina Allyson, kaya lamang ay minsan na lang. Hindi pa rin kami magkasundo ni Kuya at hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.
Bahala na.
Ang mahalaga masaya ako dahil sa babaeng katabi ko.
“Ha! Asa ka naman, tama na ang dog food sa 'yo tutal tahol ka nang tahol!”
At hindi ko napigilang mapatawa nang magpalitan pa sila ng asaran. Habang si Aeia naman. . . nakikitawa lang din.
Nakakapanibago nga lang, hindi na siya gasinong pala-imik ngayon. Hindi ko naman siya masisisi, siya kasi ang sumalo lahat ng panghuhusgang ibinabato kay Felicie at sa kakambal niya. Tapos si Palmer. . . wala na sila. Kaso mukhang mahal na mahal niya talaga ang lalaking 'yon.
Pero alam ko namang babalik din siya sa dati, tutulungan naman namin siya.
“Aeia oh.” Inabutan ko siya ng cake na alam kong paborito niya. Siya lang naman mahilig sa sobrang matatamis sa 'min. Si Felicie rin naman, kaso kailangan kong ipagdamot muna 'yon sa kaniya. Saka na, kapag magaling na talaga siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/159801559-288-k151233.jpg)
BINABASA MO ANG
Losing To Win (Lost Series #1) | Completed
Teen FictionFelicie Tarcelo is a woman who loves to compete. The reason? It's because she believes that she will never lose. Confidence fuels her competitiveness, as competitiveness drives her to win, and winning feeds her satisfaction as it makes her achieve t...