Chapter 5

151 24 36
                                    

LTW 5

Felicie

Punyemas. Ano ba siya nagpi-preach?

Hindi ko napigilan ang pag-irap habang sumasagot siya. Nang pinaupo kami'y lalo akong nainis. Kasi naman, tinutuligsa niya ako!

"Ayos lang 'yan," sambit ni Aeiou habang nakangiti.

Pinagkrus ko ang aking braso saka inirapan siya. Anong ayos do'n? I thought I ended my point well, pero aba! Binali pa rin iyon ni Win.

Hangang sa humagikhik si Aeia sa 'king tabi.

"Gaga sign na 'yon! Sabihin mo na." Ito na nga ba sinasabi ko, nangdedemonyo na naman.

"Punyemas naman Aeia, tigilan mo ako." Kapag kami narinig, tutuktukan ko talaga siya ng isa.

Lalo siyang tumawa. "Luh! Bilis na. Face the reality raw o."

Napahilamos ako sa 'king mukha. Inis ko siyang tinignan. "Alam mo, ang kulit mo-"

"E 'di ako magsasabi-"

Agaad ko siyang hinampas. "Hayop ka talaga Aeia."

At sa huli, wala akong naggawa kun'di gawin ang gutso niya.

"Hoy Win." Pero punyemas, naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi. Shit. Nakatingin siya sa 'kin, at biglang hindi ko alam ang gagawin ko. 

"What?"

Hayop ka talaga Aeia.

Mabilis akong umiling, saka napahampas sa 'king noo. "W-Wala pala. . . shit. Don't ano. . . mind it."

Punyemas!

Sana lamunin ako ng lupa bigla. Nakakahiya.

Nang ibalik ko ang aking paningin sa unahan ay mariin akong napapikit, napa-tungo at napakagat sa 'king labi, pinipiglang sumigaw.

Mukha akong tanga!

• • •

Inuuntog ko lamang ang aking sarili sa mesa habang tumatawa ang kambal sa 'king harap.

"Gaga ka kasi, 'yan tuloy! You failed again as human," pang-iinis nito habang kumakain ng pizza.

Sinamaan ko siya ng tingin. I was about to raise my middle finger at her when Aeiou who was beside me took my hand.

"Hoy! Bawal 'yan."

"E kasi naman!" But they just laughed at me. Muli kong inuntog ang aking sarili sa mesa habang inaalala ang ginawa ko kanina. "Ang tanga-tanga. Ang tanga-tanga!"

Kasalukuyan kaming tumatambay sa kaninan malapit sa school. Nasa tapat ko si Aeia na iniimbyerna ako. Kailangan ko pa namang mahimasmasan sa ginawa ko. Punyemas, nakakainis naman!

"Ano ba kasing sasabihin mo?" tanong ni Aeiou habang humihigop sa kaniyang milktea.

Kusa akong napairap. "E si Aeia kasi, pinagso-sorry ako. Hindi ko nga sabi alam kung paano 'yon, kainis!"

Inayos ko ang nagulo kong buhok at binaliwala ang ibang nalagas. "Para kasing tanga lagi."

Nang makalabas kasi kaming hospital, sinabi sa 'kin ni Aeia na binigay niya ang wallet ni Win kay Allyson- na isa pang pasakit sa buhay. Pinipilit niyang mag-sorry raw ako. At magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko gutso ang ideya niya. Nakakakonsensya rin naman kasi.

At oo na, kasalanan ko nga.

Noong araw din na 'yon, nagkabati na kami ni Aeiou. Para ngang tanga e, siya pa nag-sorry sa 'kin kahit ako dapat. Ewan ko ba sa kaniya.

Losing To Win (Lost Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon