Chapter 11

132 14 42
                                    

LTW 11

Felicie

Nakakainis, ang sama ng tingin sa 'kin ni Win.

Actually, wala naman akong planong hindi siya kausapin kanina. Naiinis lang talaga ako, si Aeiou kasi! Hindi ko alam kung bakit pinipilit niyang may something daw sa 'min ni Win!

Actually kahapon niya pa 'yon pinagpipilitan, tinatanong niya ano raw pinag-usapan namin noong Biyernes, at nakukulitan na talaga ako. Nakakarindi kaya! Tapos noong kumustahin pa 'ko ni Win, pakiramdam ko pinanonood kami ni Aeiou ta's ipagpipilitan niya na namang may kailangan siyang malaman sa 'min.

Nakakapunyemas lang.

Para tuloy kapag nakikita ko hitsura ni Win, naiisip ko ngang ano. . . para kasing pinapalabas ni Aeiou na crush ko 'yon. E hindi nga 'no, asa!

Kaya lang, ito namang si Win, mukhang naba-badtrip din. Ayoko lang namang ano. . . nakakainis talaga si Aeiou!

Saka ginagalingan ko lang naman talaga mag-aral. 'Di pwedeng maungusan niya 'ko 'no. Ako dapat ang valedictorian, 'wag niya kong epalan.

"Selos ka 'no?" tanong ni Aeiou habang kumakain kami sa canteen saka tumingin din sa mesa nina Win.

Agad akong natigilan at napatingin sa kaniya.

"Kapag 'di ka talaga tumigil, sasakalin na kita!" sambit ko na kinatawa niya lamang. Punyemas naman, dapat talaga naki-third party na lang ako sa mesa nina Palmer at Aeia kaysa sumama sa Aeiou na 'to.

Ano namang pake ko kung nagshe-share ng ulam si Allyon at Win? Napaka-non-sense talaga ni Aeiou.

Mukha namang mas masarap ang ulam ko 'no.

Hanggang sa dumating ang sunod na subject at mukhang napikon na si Win. Kinompronta ba naman ako!

Hala, parang tanga.

Tapos si Aeiou pa, ang pangit tumingin.

Nakakainis sila.

Tinarayan ko na lamang siya at pati si Aeiou'y inirapan ko na. Bahala sila. Maliligalig.

At nang dumating na ang last period, na hindi um-attend si Ma'am, busangot ang mukhang lumabas si Win. E 'di lumabas siya. Ang iinit ng ulo ng mga tao ngayon, punyemas! Pati nga si Aeia e, nag-away yata sila ng Palmer niya.

Ngunit lumipas ang ilang minuto, naka-receive ako ng text.

Aba. Nag-text ang tuod.

Napairap ako nang mabasa ang sinend niya. Kitain niya mukha niya. Nakakaasar silang lahat.

At nang mag-uwian na nga'y dumireto na lang ako sa ospital. May check-up din kasi ako ngayon kay Tita.

"Wala ka ba talagang plano sabihin kina Felicia sakit mo?" tanong niya matapos akong makonsulta.

"Nope. Busy sila. Saka kaya ko pa naman e. Ang lakas ko kaya," biro ko sa 'king sarili na hindi naman nakakatawa.

"Hindi pa naman ako malala Tita, 'di ba?"

Ngunit nagpakawala lang siya ng malalim na hininga. "But eventually, you will. Mahirap labanan ang sakit mo mag-isa."

Mapait akong napangiti. "Kaya 'yan, fighter 'to 'no. Pero ano. . . 'yong chemo. . . pwedeng ano. . . pwedeng ibang option na lang?"

Hindi ko napigilang kabahan. Matapos ko kasing mag-search kung paano tumatakbo 'yong chemo. . .

Nakakatakot pala.

"Pinag-usapan na natin 'yan Felicie 'di ba? You have to take chemo or else. . ."

I hate that or else. Or else ano, mamatay ako?

Losing To Win (Lost Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon