Epilogue

138 7 12
                                    

Win

"Pwede bang iba na lang, ayaw ko talagang sumali riyan e," reklamo ko kay Allyson matapos niyang sabihin sa 'kin na sasali raw kaming quiz bee.

There were so many reasons why that quiz bee wasn't for me. First, my introvert self was afraid of being watched at. Naiisip ko pa lang, kinakabahan na ako. Second, it means less time for work. Kakailanganin ko pang mag-aral imbes na kumita ng 50 pesos kada isang oras. Pangatlo, hindi pa 'ko tapos sa pinapanood kong anime.

Kaya ayoko talaga.

Ngunit mapilit si Allyson.

Napapayag niya ako.

Ang daya naman kasi, lo-load-an niya raw ako for 1 week kaya hindi na ako tumanggi pa.

———

Sa totoo lamang, wala naman ako masyadong pakialam na nanalo kami. Wala kasing premyo, kung may cash price sana ayos lang. Pero wala e.

Saka ang ingay pa ng mga tao, ang gulo nila. Si Allyson lang ang natutuwa ngayong tumayo sa stage habang pinapalakpakan, at ako, gusto ko nang umuwi.

Hanggang sa dumako ang paningin ko doon sa isa naming nakalaban.

'Yong anak ni Gov. Si Felicie Tarcelo.

Ang sama ng tingin niya sa 'kin. Para akong kakainin ng buhay.

At nang tinawag sila para pumunta sa tabi namin, hindi siya tumayo.

Bakit siya nagagalit?

Parang bata.

Matapos nang recognition, agad na 'kong umalis dahil uwing-uwi na talaga ako. Season 3 na 'ko sa Haikyu e, abang na abang na 'ko anong mangyayari sa sunod.

Kaso nakakainis. . .

Burara nga yata talaga ako.

Nawala ko ang wallet ko.

—————

Hindi ko mapigilang mainis, siya na nga 'tong nanguha ng wallet ko, siya pa matapang. Pambihira talaga 'tong babaeng 'to. Napakaisip bata!

"Do I look like a garbage collector to you?"

Nagpantig ang aking tenga.

Napakasama ng ugali niya.

"Tama nga sila, ayaw mo matalo. Pero look at yourself, you are acting like one," sambit ko na lamang saka umalis na.

Pwede namang ibigay sa 'kin ng maayos, ba't kailangan pang itapon?

Madapa sana siya, o kaya mahulog sa kanal. . .

Pero ako ang nahulog sa kaniya.

—————

Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakasakay sa kotseng minamaneho ni Kuya. Parang dati laamang, ayaw ko pang sumali ng mga contest at magsalita sa unahan. Pero ngayon. . .

Hay, ewan.

"Wow! Ang ganda mo naman Ate Ally, picture tayo! Picture!" sambit ni Windel na nasa backseat matapos naming sunduin si Tita Bel at Allyson.

Noong nagbagong-taon kasi'y lumipat na kami sa dati naming bahay, na nakuha ulit ni Kuya. Maging ilan naming negosyo ay nabawi niya na rin.

Hindi na nga rin ako namomoroblema sa pang-load, nakatuwa lang kasi may wifi na kami.

Losing To Win (Lost Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon