LTW 2
Felicie
"Aeiou ano ba? 'Pag 'di ka tumigil tutuktukan na kita! Para kang tanga," sambit ko habang nagtatanghalian kami sa cafeteria. Alam kong nakatawa 'yong pangalan, pero pwede ba? Lahat ng paulit-ulit, nakakairita. At ako, iritang-irita na talaga.
Hingang malalim. Kalma, kaya ko 'to— punyemas!
Lalo lamang siyang natawa, at halos mapaluha na ang singkit niyang mga matang. . . pesteng 'yan, ang sarap tusukin ng tinidor.
"Sorry naman. I just can't—" At hindi na niya matapos ang pagsasalita niya kasi tawa na naman nang tawa. Bibigwasan ko na talaga 'to, isa pa.
"Seriously, sino ba naman kasing matinong tao ang magpapangalan ng gano'n?"
At muli, tumawa na naman siya. Kalma Felicie, konti pa.
"Pero seryoso, Win D. Manalo talaga?"
Sinamaan ko siya ng tingin saka tinuro siya gamit ang kutsarang hawak ko. "Hiyang-hiya naman sa 'yo, 'no? Taong vowels," tugon ko ngunit ni hindi man lang siya nainis.
Ano ba 'yan. Ako tuloy ang lalong nainis. Punyemas. Wala ba kasing course about anger management? Kainis.
Patuloy lamang siya sa pagtawa at ilang segundo lamang, napahilamos na siya sa kaniyang mukha. Ang babaw talaga ng taong 'to.
"Galit ka 'no? Bakit, dahil nabi-bitter ka't nalamangan ka?"
Napatigil ako sa pagkain saka tinaasan siya ng kilay. "Excuse me, hindi 'no. Sinong bitter sinasabi mo riyan? Naiinis lang ako kasi—" Nag-isip ako ng idudugtong, pero punyemas, ba't wala akong maisip? Matalino naman ako, ah?
"Punyemas ka Aeiou! Nang-iinis ka na naman, ano?!"
Pero lalo niya akong tinawanan. Ito talagang taong 'to, hindi ko maintindihan. Hindi ko ma-gets bakit sa lahat na lang ng mangyari, nakakatawa para sa kaniya. At sayang-saya ha, palibhasa napapag-trip-an na naman ako. Bwisit.
"Asus, bitter ka lang talaga. 'Di na ako magtataka isang araw, nangungulubot ka na."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Bobo. I'm still young para mangalubot, nag-iisip ka ba? Do you even listen no'ng elementary 'pag ang subject ay Science, tanga ka ba? That will only happen if I get old—"
Saka lamang siya huminto sa pagtawa, na kumukurap-kurap pa sa harap ko. "Nakikiramay ako sa namatay mong sense of humor, Felicie, parang tanga."
At pilit ko man siyang tarayan pero punyemas lang, kusa nang lumabas ang ngiti sa labi ko— actually tawa, kasi. . . punyemas 'tong si Aeiou! Ba't natatawa ako?
"Alam mo, kanina mo pa 'kong pinupunyetang taragis ka—"
Habang takip-takip ang tenga'y sinapawan niya ako, saka ngumiwi. "Magsabon ka ngang bunganga mo, lagi ka nang nagmura-"
"Tanga. Tanga. Tanga. Bobo ka, inutil!" At sa huli, ako na halos ang mawalan ng boses katatawa. Lalong kumunot ang kaniyang noo, saka umiling. Okay, ba't gano'n? Kung wala akong sense of humor, ba't natutuwa 'kong apihin mga tao sa paligid ko? I mean, alam kong. . . oo nga, medyo mali, pero para kasing ang boring 'pag ano, walang naaapi, parang nanghihina ako, gano'n. At lalo akong natawa kasi 'yong mukha ni Aeiou. . . punyemas! Mukhang tanga! Ito, ito talaga 'yong hinihintay ko, 'yong dissapointed face niya kasi ang fulfilling sa pakiramdam. Parang buo na 'yong araw ko 'pag ganito, 'pag naalipusta ko siya.
Binato ko siya ng balat ng sitsirya na mukha pang labag sa loob niyang saluhin.
"Napaka-OA mo talaga, kadiri!"

BINABASA MO ANG
Losing To Win (Lost Series #1) | Completed
Teen FictionFelicie Tarcelo is a woman who loves to compete. The reason? It's because she believes that she will never lose. Confidence fuels her competitiveness, as competitiveness drives her to win, and winning feeds her satisfaction as it makes her achieve t...