Chapter 26

75 9 35
                                    

Felicie

Mabilis kong itinapon ang wig sa sahig.

“Sinabing ayoko nga!” Iretable kong sambit habang inaayusan ng babaeng hindi ko alam kung saan napulot ni Nurse Thea.

Nasa kwarto pa rin kami, at hindi ako natutuwa sa ayos nito. Puro ilaw. Puro pang-ayos sa mukha. Puro iba't ibang damit-pambabae.

Mukhang tanga.

Dinampot ni Nurse Thea na pinanonood akong ayusan ang wig na ibinato ko. 

“Sige na. Suutin mo na, bagay naman sa 'yo ah,” aniya at muling iniabot sa 'kin ang wig.

Ngunit agad ko rin iyong tinabig. “Ayoko nga. Saan ba kasi tayo pupunta? Tinatamad ako—”

Pero hindi niya ako pinatapos magsalita.

Sandali niyang pinalabas ang babaeng nagme-make-up sa 'kin, saka ako tinabihan.

“Hindi ka tinatamad,” nakangiti niyang sambit na siyang ikinairap ko.

Mas marunong pa siya sa 'kin, ha?

Nakakainis.

“Bakit ba kasi ayaw mong magpaayos? Saglit lang naman—”

“Mukha nga kasi akong tanga!” Hindi ko na napigil ang aking pagsigaw na siyang ikinabigla niya. Kasi naman e, kanina pa siya! Ano bang mahirap intindihin sa ayaw ko nga?

Ang kulit-kulit.

“Felicie—”

Agad na akong nag-iwas ng tingin. No. Kailangan kong kumalma. Hingang malalim, hinga.

“I-I'm sorry. I shouldn't have yelled at you. Iwan mo na lang muna ako—”

Ngunit nagpakawala lamang din siya ng malalim na hininga at muli akong nginitian. “Bakit ba kasi ayaw mong pumunta sa event? Dahil iniisip mong hindi ka na maganda katulad ng—”

Punyemas.

“Oo na!” I hastily looked at her with my eyes getting teary. Pinipilit ko namang kumalma e, pero kasi. . .

Ang kulit naman.

“Nurse Thea, ayoko nga. . . ayoko  nang gano'n. Ayoko nang humarap sa mga tao, wala e. . . wala na akong mukhang ihaharap.” Nang dumako ang aking kamay sa 'king ulo ay muli ko lamang napagtantong wala na akong buhok na masusuklay.

Napatingala ako. Punyemas.

“H'wag na kasi. 'Wag na lang. Lolokohin ko lang ang sarili ko. . . na may buhok pa ako, na maayos pa ang hitsura ko. . . na maayos pa ang lahat.”

Minataan ko siya. “Kita mo ba? Mukha na 'kong tanga o, mukha akong tatatakasan nang buhay. Hindi na ako bagay roon.”

At tuluyan ko nang hindi napigil ang pangingilid ng aking luha. Marahan akong napayuko, at kasabay niyon ay pagkabasag ng boses ko.

“Mukha na akong ililibing. . .”

Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naiisip ko. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng pilit kong pagkapit na gagaling pa ako. . . kinakalaban naman ako ng takot.

At natatalo ako.

Natatakot ako.

Ayoko pa. 'Wag muna.

“Shush. . .” She instantly hugged me and I just found myself crying on her shoulder— unloading my anxiety that had been weighing too much.

“P-Please, 'wag na tayong pumunta. Dito na lang tayo. . . dito na lang.”

Losing To Win (Lost Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon