Chapter 21

110 10 29
                                    

Win

“Win! Bumalik ka rito!” Nanatili akong nagbibingi-bingihan sa sigaw ni Kuya. Wala nang saysay pang makipagtalo sa kaniya dahil hindi niya naman ako naiintindihan.

“Win, ano ba?!” Sinubukan niya akong habulin ngunit mas mabilis ang aking paglalakad, hindi niya matitinag ang kagustuhan kong puntahan si Felicie.

Kailangan ko siyang makita.

At nang makalapit si Kuya sa'kin, sinubukan niya akong pigilan. Hinila niya ang aking braso, at hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para itulak siya. “Pupuntahan ko siya, 'wag kang mangialam!”

Agad kong pinawi ang luhang kumakawala sa'king mga mata, saka pinaandar ang kaniyang motor gamit ang susing kinuha ko sa kaniya.

Sinunod ko naman na siya e, bakit ba ang damot-damot niya?!

Mabilis kong pinaharurot ang motor, habang ang isip ko’y okupado nang takot at pangangamba, nilalabanan ang puso kong umaasang walang mangyayaring masama. Hindi. Ayos lang siya, ayos lang.

At nang makarating ako sa ospital ay mabilis kong tinakbo ang kwarto kung nasaan siya, hindi ko na inalintana pa ang naghahalong pawis at luhang tumutulo sa’king mukha, ang dumadaang mga nurse at doctor na napapatingin sa aking gawi. Ang tanging iniisip ko lamang ay siya. At habang palapit ako nang palapit sa kinaroroonan niya’y pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko.

Felicie. . . na’ndito na ako. Pakiusap, maging ayos ka na.

Ngunit saktong pagkarating ko sa labas ng kwarto niya, naabutan ko ro’n ang kambal at si Allyson. Tahimik, tanging ingay lang ng kanilang paghikbi ang maririnig. Napatigil ako, bigla akong nakaramdam ng takot lumapit. Pero hindi, kailangan kong makita si Felicie. Kailangan kong kapalan ang mukha ko, kahit malaki ang kasalanan ko sa kanila.

And before I could even get near them, Aeia called my name. “Win?” Her voive was full of sorrow, far from the cheerfulness it used to have.

Kasalanan ko.

Trinaydor ko sila.

Sinubukan kong ibuka ang aking labi, ngunit walang salitang gustong kumawala rito. Nakatingin lang si Aeia sa’kin habang umiiyak, at hawak naman siya sa balikat ni Allyson. Habang si Aeiou. . .

“Hayop ka!” Mabilis siyang nagtungo sa'kin habang ang luha’y kumakawala sa nanlilisik niyang mga mata. At saktong pagkalapit niya saki’y nakatanggap ako ng suntok. Malakas. Masakit. Napaatras ako.

Dapat lang sa'kin 'to. Kasalanan ko. Wala sana si Felicie rito kung hindi ko ginawa 'yon, ang tanga-tanga ko.

“Aeiou!” Agad siyang hinawakan ni Allyson sa kaniyang braso, habang si Aeia ay nanatili sa pwesto niya, na hanggang ngayo’y umiiyak pa rin.

Ngunit tinabig lamang ni Aeiou ang kamay ni Allyson.

“Ang kapal ng mukha mong pumunta rito, hayop ka! Pinagkatiwalaaan ka namin! Tapos ito ang igaganti mo?! Hayop ka!” Akmang susuntukin niya sana ulit ako, nang pinigilan ulit siya ni Allyson. Habang ako, nanantili lamang nilulunok ang mga katagang ibinabato niya sa'kin.

“Aeiou, kumalma ka!”

“Kumalma? Tangina, e itong hayop na ‘to!” Napahawak siya sa kaniyang bibig saka sarkastikong tumawa. “Itong hayop na ‘to, siya ang pinagkatiwalaan ni Felicie sa. . .”

Napahilamos siya sa kaniyang mukha saka napatingala. Napakagat ako sa’king labi at pinigilan ang tunog ng aking paghikbi, kaso mahirap. Ang hirap-hirap. “Allyson, siya ang pinagkatiwalaan ni Felicie sa sakit niya, kaya bakit gano’n?”

Losing To Win (Lost Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon