Chapter 3

206 27 72
                                    

LTW 3

Felicie

Nang umalis si Sir ay kaniya-kaniya na ring labasan ng mga kaklase ko. Kami lang no'ng kambal, at nina Win ang naiwan.

"Nasaan ang wallet ko?" pag-uulit niya habang malalim pa rin ang tingin sa 'kin, at para patas, sinamaan ko rin siya ng tingin.

"Hindi ko alam." To be honest, nagulat na lang ako ba't 'yong ang nasabi ko. Wala naman kasi talaga ako dapat planong itago 'yon sa kaniya. . . like punyemas ha, aanhin ko 'yon e may pera at wallet naman ako? Kaya lang, ewan ko, parang ang hambog ng dating ng pakikipag-usap niya at hindi ko 'yon nagugustuhan.

Ako, gaganunin niya?

Hindi pupwede sa 'kin 'yon. Naiinis ako.

At iiwan ko na sana siya kaya lang, hinila niya ang braso ko. Nag-iigting ang pangang tinignan ko siya. At nagsukatan lang kami ng tingin.

Kung inaakala niyang magpapatalo ako, ha! Asa!

"Hoy Win, ano ka ba?" tanong ni Allyson na mukhang nahihiya sa ginagawa ng kaniyang kasama. But Win didn't throw her a look.

Padabog kong inalis ang kamay ko sa kaniya. "I told you, 'di ko nga alam kung nasaan ang wallet mo!" Saka ko siya tinaasan ng kilay ngunit kinunutan niya lang ako ng noo.

Nakakainis naman kasi. Kung hindi niya 'ko sinimulan, baka ibalik ko pa wallet niyang patapon naman. Kaya lang, hindi e, ang hambog niya! Siya lang gumanito sa 'kin, nakakainit ng bait. Pinagmumuka niya pating ano. . . ninakaw ko 'yon kasi natalo nila ako kahapon at ano akala niya, magre-revenge ako through that?

Nakakainis!

"Alam mo, hindi ako kumokolekta ng basura kaya punyemas ha, 'wag mo 'ko guluhin."

Bahala na nga, itatapon ko talaga wallet na 'yon 'pag ginulo pa ko nito.

"Aba't! Bruha pala talaga 'to e!" sambit naman bigla no'ng Allyson at aktong susugurin ako kaya lang sinuway siya ni Win.

Luh. Problema no'n? Inaano ko siya, aber? Punyemas, ang yayabang talaga nila, naiirita ako.

"Felicie," saway naman ni Aeiou. Teka nga, 'wag niyang sabihing kumakampi siya sa kanila? Ako 'yong inaaway rito, ako!

Nanahimik lang naman ako tapos. . . punyemas kasing wallet 'yon. Hindi. Ayoko na ibalik, bahala sila!

"Nakita namin sa cctv. Nakuha mo ang wallet ko. After the recognition. Friday. 11: 28 am. Sa auditorium."

Napaawang ang labi ko. Teka, ano raw?

Bebente ang laman, may ebidensya? Seryoso ba 'to? Pinagmumukha niya talagang nanakawin ko 'yon? Punyemas!

Inis kong hinipan ang aking bangs saka padabog na kinuha ang wallet ko sa bulsa. Inilabas ko ro'n 'yong 50 pesos ko, ta's hinampas 'yon sa dibdib niya na agad niyang nasalo. "Oh, ayan na ha! Labis pa 'yan ng thirty, baka magreklamo ka pa.
Ayan na! para bente lang, 'yong wallet mo ewan ko, tinapon ko na-"

"Felicie!" Tumaas na ang boses ni Aeiou kaya tinignan ko siya. Nagtataka namang nakatingin sa 'min si Aeia na walang kaalam-alam sa nangyayari.

"Okay, what's happening? Can someone spill the tea?" Hindi ko iyon pinansin. Bahala siya roong magtaka.

"Bakit ba?" asik ko kay Aeiou na ang sama na ng tingin. At halos mapunit na ang noo ko kakukunot. "Ano, pagtulungan n'yo ba 'ko, ha?"

"Alam mo, ang kitid ng utak mo," pagsingit naman ni Allyson, saka hinawakan ang braso ni Win. "Kingina, tara na nga Win nakakairita kausap 'tong attitude na 'to." Hihilahin niya na sana iyon, pero hindi nagpatinag si Win. At mas hindi ako magpapatinag!

Losing To Win (Lost Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon