Chapter 20

112 11 42
                                    

Win

“Kanina pa ‘yan gan’yan, hindi rin kumakain.”

Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang marinig ang sinabi ni Doctora. Nakadungaw lamang kami sa pintuan, pinagmamasdan siya.

If only I could just hold her hand this time, I would. If I could just tell her again that everything was still alright, I would. But it wasn’t true, being alright was something I could not grasp anymore. Being alright was something that became too hard to afford.

“Ikaw na lang kaya ang magbigay nito.” Agad niyang inabot sa’king ang tray na may pagkain, pero umiling ako.

Hindi ko kaya. Wala akong lakas ng loob harapin siya, ang kaya ko lamang gawin ay magpakatuod rito at humiling na sana. . .

Sana hindi na lang siya ang nagkasakit. Sana wala na lang problema, sana masaya na lang ang lahat.

Bago pa ako tuluyang mapaluha ay peke na akong ngumiti, umatras, tumakas. Mabilis akong tumalikod sa kaniya at mabigat ang hakbang na nagtungo sa kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Gusto ko ulit maranasan kung paano maging mag-isa, gusto ko ng kapayapaang tanging kaibigan ko lang noon.

Ang gulo-gulo na ng lahat.

Hanggang sa makariting ako sa rooftop ng ospital. Sinalubong ako ng katahimikan, at tanging isip ko lang ang maingay, naririndi ako.

Mariin akong napahawak sa magkabila kong tenga, habang ang aking mga mata’y mariin na ring nakapikit. Tama na. . .

At sa’king pag-iisa, malakas akong sinampal ng hangin, kung kaya’t hindi ko napigilang gumanti. Saktong pagmulat ko ay pagbuka ng aking labi, isang malakas na sigaw ang kumawala sa’king pusong sana’y hindi na lang tumibok para sa kaniya.

Maling-mali. Pinapatay ng mga magulang niya ang magulang ko. Pinatay nila ang magulang ko!

Napasuntok ako sa barikada saka napasuklay sa’king buhok. “Tama na! Ayoko na! Tama na. . .”

Ngunit ilang saglit pa, naramdaman ko na ang panlalambot sa’king tuhod. Unti-unti akong napaluhod saka niyakap ng malamig na simoy ng hangin, napayuko ako at doon ko lamang namalayang pumapatak na pala ang luhang hindi na naubos-ubos.

Muli akong napasigaw, kahit pa man alam kong bingi ang lahat sa nararamdaman ko. Kahit pa man alam kong hindi nito mababawasan ang bigat sa’king dibdib. Alam ko naman e, hindi ako kasing-tapang ng iba, pero bakit sa’kin nangyayari ‘to? Bakit humantong sa ganito?

Bakit kailanagang sila pa ang pumatay sa magulang ko? Bakit kailangang madamay ang babaeng gusto ko?

Maling-mali. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Halu-halo na ang lahat, na gusto ko na lamang ay maging manhid. Gusto ko na lamang bumalik sa pagiging mag-isa at yakapin ang kapayapaan kasi nga hindi ko na alam.

Inayos ko ang aking pagkakaupo saka niyakap ang aking mga tuhod, isunubsob ko ang aking sarili at doon humikbi na animo’y maggagawa nitong burahin ang sakit.

“Hindi mo ba natatandaan? Win, kaso laban sa kanila ang huling tinanggap nila Mama bago sila mamatay! Maging ‘yong kliyente nga, pinatay din! Pinatay nila sina Mama dahil takot silang malaman ng lahat ang baho nila! ‘Wag kang maging bulag! Pumatay sila Win! Tangina, anong mahirap intindihin do’n?!”

Napasuklay ako sa inis habang nasa harap ko pa rin si Kuya, nakaupo sa kama ng ospital.

“Kuya! Hindi ko alam. . .”

Ayokong maniwala. Kaso, iyon ang totoo. Magulang ni Felicie ang dahilan kung bakit nawalan kami. Sila ang may kasalanan kung bakit humantong kami sa ganito. Pero paano siya?

Losing To Win (Lost Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon