Chapter 22

97 10 29
                                    

Felicie

As I opened my eyes, the most unwanted feeling welcomed me— pain. There was no word that could describe how my head hurt, how my chest ached.

Nurses came running on my room and they were doing something I couldn't understand. Sweats were dripping from my face, and it got mixed with tears flowing from my eyes.

Hindi ko alam kung anong bangungot ang nagpatulog sa 'kin nang ilang araw, na pagkagising ko'y pagluha agad ang sumunod sa pagmulat ko.

I begged them to take away the pain, but even the medicines they were injecting seemed to make me suffer. Akala ko ba pagagalingin ako nito? Hindi ko maramdaman.

Malakas akong napadaing nang lalong lumalim ang sakit ng aking ulo.

Tama na. . .

Napakapit pa ako sa bed sheet, at ramdam na ramdam ko kung paanong ang kakaunting enerhiya ay nawala pa dahil sa 'king pagsigaw.

Ayoko na. . .

Nakakapanghina ang lahat.

Hanggang sa unti-unti, naramdaman ko ang pagkamanhid, ang panlalabo ng aking mga mata. They were saying something, but my ears seemed to be malfunctioning. There was nothing that I could understand.

Hanggang sa mapapikit na lang ako, at naramdaman kong ako na lamang mag-isa. Hindi ako dinalaw ng antok, bagkus ay takot ang naghari sa 'kin.

Gusto kong matawa. They said that sleeping was a privelege, but for a person like me, it was not. It would never be. Sleeping wasn't something I would desire. Not anymore.

Nakakatakot, na baka kahit saglit lang akong mapaidlip ay magtuloy-tuloy na ito. Na baka kinabukasan, hindi ko na kayanin pang lumaban.

Ayokong makatulog.

Nanatili lamang akong tila nalulunod na sa isipin. Ang dami ko pang gustong gawin. Ang dami ko pang gustong makita. Kaya lalaban pa ako.

Babawi pa ako.

Gusto kong gumaling, gusto ko pang magising araw-araw. Gusto ko ring sumaya kagaya ng iba.

"Everything will be alright.”

Lalong nanubig ang aking mga mata nang marinig ang boses ni Win sa 'king isip.

Sasabihin niya pa rin kaya sa 'kin 'yon sa ganitong sitwasyon? He promised that he would stay. At kung hindi man, o hindi na nga yata talaga matutupad. Hindi ko siya masisisi.

He had to choose between his family and me. And of course, he would choose them over a person like me— na kinaawaan niya lang.

Bakit kasi hindi niya na lang ako magustuhan?

Nang imulat ko ang aking mga mata, sarkastiko akong napatawa. Nakakainis. Umaasa pa rin akong baka magkahimala, na isang araw baka piliin niya na ako. Na baka hindi na lang din siya naaawa sa 'kin.

Sana magkatotoo nga 'yong sinasabi niya, that everything would be alright— for the both of us.

Iyon na lang ang pinanghahawakan ko, at ayokong pati 'yon mawala pa sa 'kin. Ayokong tuluyang mawalan ng pag-asa. . . kahit ang hirap-hirap na.

Lalaban pa ako.

Hanggang sa bumukas ang pinto, iniluwa noon ang lalaking naka-mask at hospital gown din kagaya ng mga nurse. At oras na nagtagpo ang aming mga mata, trumiple ang sakit. Tila gripong nagtuloy-tuloy sa pagluha ang aking mga mata.

Mabilis siyang napatalikod, at kitang-kita ko kung paanong ang kaniyang balikat ay nagtaas-baba. Dinig na dinig ko kung paanong ang dating tawa ay naging paghikbi. Ramdam na ramdam ko kung paanong ang saya ay biglang naging kalungkutan.

Losing To Win (Lost Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon