Chapter 24

81 10 45
                                    

Felicie

Hindi dapat ako naghahabol.

Mariin akong napapikit nang talikuran niya ako. Ngunit punyemas, parang tanga na naman akong humihikbi. Hindi na tumigil. At hindi rin siya tumigil sa paglayo sa 'kin.

Bakit ba ako nagmakaawa pa?

Hindi man lang siya lumingon.

Punyemas. Ang duwag niya!

Pinanood ko lamang siyang unti-unting lumayo, habang ako ngayon ang tuod na naka-upo sa wheelchair ko.

Duwag. Tangap ko pa kung takot lang siyang maiwan e kaya niya ako iniiwasan, pero ang idamay na ang mga magulang ko? Punyemas naman.

Sana hindi ko na lang siya nagustuhan.

Tapos nakuha niya pang mangako na lagi lang siyang nand'yan sa tabi ko. Punyemas. Ang sinungaling! E ni wala nga siyang lakas ng loob para harapin ako. Magaling lang siyang tumakas, talunan.

Sana pala, hindi ko na itinago sa kaniya ang wallet niya noon. Hindi na sana ako napalapit sa kaniya, kung alam ko lang na iiwan niya lang din ako.

Punyemas na Win. Akala ko masakit na ang Leukemia, hindi pa pala.

Napahawak ako sa 'king dibdib habang patuloy lamang ako sa pagluha. At punyemas, hindi ko maialis ang tingin ko sa pintuan ng cafeteria. Gusto kong hampasin ang aking ulo, ngunit masyado na akong nanghihina para gawin iyon.

Umasa ako. Hindi dapat.

Pero baka naman, baka naman bumalik siya. . .

Baka naman piliin niya na ako.

Baka naman maging matapang na siya at pagbigyan ako. Baka naman pwede na.

Kaso siya si Win. Duwag.

At nang tumunog ang orasan sa dingding— hudyat na ala-una na, pinawi ko na ang aking mga luha at sinimulang nang paandarin ang aking wheelchair.

Hindi na dapat ako naghabol.

Walang tumatakas na bumabalik.

—————

Ilang araw na ang lumipas, nagdaan na rin ang arraignment nina Mom na hindi man lang ako nakapunta. Nakakainis, lahat na lang bawal.

Kagigising ko lang pero mayroon na namang in-inject na gamot sa 'kin si Nurse Thea, para raw gumaling ako.

Buti pa pala 'tong Leukemia, nagagamot.

Tipid ko lamang siyang nginitian nang umalis na siya sa kwarto ko. Nanatiling nagbabantay sa 'kin si Aeiou habang nasa sofa sa gilid, natutulog.

Hindi ba siya aalis?

Masyado pang maaga, at ang araw ay mukhang lilitaw pa lang. At hindi ko alam kung dahil ba sa aircon o ber months kung bakit ang lamig. Umupo ako sa 'king kama at tinanaw na lamang ang mga tao sa labas ng bintana.

Ang titingkad ng mga kulay roon, lahat ay nagsusumigaw ng kasiyahan mula sa mga puno hanggang sa mga halaman. Lalo tuloy akong nanlumo, puro puti lamang ang kwarto ko.

Walang kasigla-sigla. Ang daya.

Dahan-dahan akong tumayo, at mabuti na lamang nakaya ko. Nakakasawa nang mainggit.

“Gising ka na pala,” sambit ni Aeiou na ngayo'y nagkukusot ng mga mata, saka ibinuka ang mga braso.

Tumango lamang ako habang pinapanood siyang pasiglahin ang sarili. Ilang taon na ba kaming magkasama? Halos lahat sa 'kin ay alam niya na. . . pero ako?

Losing To Win (Lost Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon