Chapter 4

161 23 21
                                    

LTW 4

Win

It was hard to move.

Everything was ugh, aching, and my eyes were really blurry, I could barely see at all.

"Win!" Even though I couldn't see her, I knew it already that it was Allyson. The heck, was she crying?

"Nurse! Gising na po si Win!"

Naiyak nga. I could hear her sniff.

Sinubukan ko muling iggalaw ang katawan ko para bumangon, but the heck, it was frustrating why couldn't I. . .

I just wanna be out here.

"Win naman, 'wag ka muna gumalaw-galaw!" Then she helped me lay myself again on the bed. "Baka mapano ka niyan e!"

Nakakainis. Bumuntong-hininga na lang ako.

Then a nurse went in to check my vitals. She told me I should rest first. Bukas pa raw ako pwede umuwi, nakakainip, sayang oras. Buti na lang, sugat at pasa lamang natamo ko, malayo sa bituka.

Kaya lang, kailangan ko pa magtrabaho. kailangan kong umuwi agad.

Nang makaalis ang nurse, agad akong binulyawan ni Allyson. "Saan-saan ka ba kasi nagsususuot?! Pinag-alala mo ako nang matindi putek ka! Sabi ko naman kasi sa 'yo, baka pinagti-trip-an ka lang ng bruhang 'yon, tapos naniwala ka pa ring tinapon niya. Ayan tuloy—"

"Kamusta na raw siya?" Biglang bumalik sa isip ko ang hitsura niya kanina. She was. . . why did she help me?

"Seryoso? Siya pa talaga inalala mo! Ayon, nasa kabilang room. Nahimatay rin, napaka-OA! Kala mo naman siya 'tong nasaktan nang todo. At biruin mo ba naman, mas inuna pang asikasuhin 'yon kaysa sa 'yong punong-puno ng sugat. Jusko!"

Napakurap siya. "Palibhasa, anak ni Gov. Putek, hanggang dito mga pa-VIP, kairita."

"Pero bakit daw siya na'ndoon kanina?" Akala ko kasi, wala siyang pakialam.

She chuckled. "E ano pa ba? Malamang, tinamaan yata ng konsensiya. Inamin sa 'kin n'ong Aeia, putek nasa bruha nga ang wallet! Kung 'di pa ako nakitang nagkakalkal sa basurahan, malamang 'di iyon ibabalik."

Then she handed me my wallet. "Oh."

Agad ko iyong kinuha at binuklat. Napangiti ako nang mapansing walang nawala, kahit 'yong bente ay narito rin.

"Ikaw naman kasi, bakit mo pa siya pinagtanggol? E ang sama-sama naman ng ugali no'n."

Mahina ko siyang tinawanan. "You're being too affected. Kumalma ka kaya—"

"Win naman, seryoso kasi! Anong kalma? Nakakairita e, ikaw na nga ang inagrabyado ta's—" Hangang sa narinig ko ang mahina niya na namang paghikbi. "H'wag ka naman kasing masyadong mabait, 'di ka naman santo e."

Lalo akong napatawa. Iyakin talaga. Ibinuka ko na lamang ang braso ko at agad naman siyang lumapit para yakapin ako. I gently patted her back as she continued crying on my shoulder.

"Look, I'm fine, and I'm sorry for making you worry. Promise, 'di na mauulit, tahan ka na."

"Dapat lang. Kun'di ako na mismo ang bubugbog sa 'yo, putek ka."

Marahan niya akong hinampas nang patuloy ko siyang tinawanan. "Win kasi!"

Natatawa akong napailing. Parang bata talaga.

• • •


It was already Thursday when I decided to attend classes again. Dal'wang araw na rin kasi akong absent dahil sa nangyari no'ng Lunes. But the problem was, Tita Bel— Allyson's mother wanted me to rest for the whole week.

Losing To Win (Lost Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon