Chapter 25

72 9 39
                                    

Win

So everything was just a game for them?

My fist tightened and my jaw clenched after hearing everything- Palmer's crap, Aeia's and Felicie's cry, and my Kuya's small and victorious laugh.

Tangina.

I told myself I'd never curse again. . . but how? How, when everything was already draining my sanity?

Akala ko nasagad na ako nang suntukin ko si Aeiou sa presinto kanina.

Hindi pa pala.

I let out a chuckle as tears started flowing again, as my heart started breaking into pieces.

Until it became a laugh, loud enough to have something I never wished to have— spotlight.

Everyone in this cafeteria was already looking at me— at our mess, as if we were in a taping for a drama.

Pero wala na akong pakialam, masyado na akong nilalamon ng aking galit kung kaya't ang aking kamao'y bigla nang dumako sa nakangising mukha ng Palmer na 'to.

"Hayop ka!" Halos pumutok na ang ugat sa 'king leeg dahil sa lakas ng aking sigaw. Hindi pa ako nakuntento, sinuntok ko ulit siya, mas malakas. Sunod-sunod hanggang sa may lumubas nang dugo sa kaniyang mukha.

"Hayop ka!" tuloy-tuloy kong sambit at idiniin siya sa mesang katapat. Wala akong balak tumigil, wala!

"Win! Tama na! Tama na sabi!" sigaw ni Aeia na hinihila ako ngunit wala akong balak pansinin siya.

Kaso tangina, ang daming sagabal! Hindi naman nila kami naiintinidhan!

Ang mga taong kanina'y nanonood sa 'min ay ngayo'y umaawat na. Inilayo nila sa 'kin si Palmer at pilit akong hinihila sa 'king braso. Ang dami nilang sinasabi, ang ingay-ingay nila! Na parang ako pa ang mali- ako pa ang masama.

Mga tangina.

Marahas akong bumitaw sa kanilang pagkakahawak at nagngingitngit ang ngipin na sumugod muli kay Palmer. "Napakasama mo! Hayop ka!"

Ngunit bago ko pa siya masuntok muli, naunahan na ako ng kamaong tumama sa 'king mukha.

Malakas, pero walang sakit. Wala akong maramdamang pisikal na sakit!

Ang daya naman!

"Win! Nahihibang ka na ba?!" sigaw ni Kuya matapos akong suntukin. Ang kaniyang noo'y halos magusot na kakukunot.

Muli akong napatawa, kasabay nang lalong pagdagasa ng luha. Pero ang peke kong tawa ay agad ring naglaho.

Ako pa ang nahihibang?

Tangina talaga.

Agad akong napasuklay sa 'king buhok at nakipagtitigan sa kaniya.

"Kuya. . . pinagkatiwalaan kita. . ." Halos mabasag na ang aking boses pero wala akong pakialam. Sobrang bigat na nang lahat. "Sumunod ako sa 'yo. . . kahit ang hirap-hirap."

Tapos malalaman kong ganito? Na plinano nila mula sa simula ang lahat? Na ginamit ako. . . nang sarili kong kapatid?

Hayop.

"Pinagkatiwalaan kita. . ." muli kong usal at napahilamos sa 'king mukha, habang umaatras palayo sa kaniya.

Ang hirap-hirap tanggapin.

Akala ko ginawa ko ang tama.

Maling-mali.

Ang dami king desisyong mali.

Hanggang sa umimik si Aeia na nasa aking tabihan. "U-Umalis na kayo. . . please, umalis na kayo!"

We all just wished for something good- for things to be better.

Losing To Win (Lost Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon