LTW 12
Win
Did I hear it right?
“I like Win.”
Hindi pa naman siguro ako nasiiraan ng bait. Pero. . .
Parang sirang plaka na nagpapa-ulit sa ‘king isip ang pinagsasasabi ni Felicie.
O baka siya ang nasisiraan ng bait. May tama siguro sa utak ang babaeng ‘to.
Nanggugulat e. Pambihira.
At habang seryoso nang nakatingin si Aeiou sa ‘kin, nananatili pa rin akong tulala. Hindi ko sila maseryoso. Hanggang sa mahinang tumawa si Aeiou saka tumingin ulit kay Felicie.
“You should have told me that earlier.” And when his eyes went mine again. . .
I wasn’t that dense to not notice that he likes her.
“I think I should get going. Maiwan ko na kayo.” With that, he walked away and we just watched him leave.
Saka ako tinignan ni Felicie, and God knows how much it startled me. Why was she staring at me like that? Like I was guilty of a crime and my stupid heart was beating faster than it should.
Hindi na normal ‘to.
Win, ano bang nangyayari sa ‘yo?
“I like Win.”
Pambihira! Ang ingay ng utak ko.
Natataranta akong nag-iwas ng tingin saka lumunok, ngunit hanggat tinitignan yata ako ni Felicie ay hindi ako kakalma.
Ang gulo niya kasi. Matapos niya akong hindi pansinin. . . ng halos isang linggo, tapos ganito?
Ang hirap niya i-spelling-in!
Bago pa man mag-play ulit na parang voice recording sa utak ko ang sinabi niya. Naglakas loob na kong harapin siya.
“Alam mo—” Sabay kaming napatigil dahil pambihira. . . sabay kaming nagsalita at talagang magkapareho pa ang aming sinabi.
Malala na ‘to.
“Ikaw muna,” sambit niya saka nag-iwas ng tingin.
Napalunok ako. “No, you go first,”
Ngunit umiling siya “Ikaw nga muna.”
“Felicie, ikaw muna.”
Hanggang sa panlisikan niya ako ng tingin. “Sinabi ng ikaw muna, ano ba?”
At kung naiinis siya, mas naiinis din ako. Aba naman. “Ikaw nga sabi, ladies first—”
“Punyemas, oo na nga! Oo na!” And when she looked at me, I saw how her cheeks turned red.
Uminit ang tenga ko.
Ano nga ulit ang katinuan? Wala na yata ako n’on.
“T-Thank you, ‘di mo ‘ko binuko kay Aeiou.”
Confirmed. Hindi na ako normal.
Pinigilan kong mapangiti at alam ko namang mukha na ‘kong ewan na tumango at nagkagat-labi na lamang.
“At sorry rin, ‘di kita pinansin.” Hanggang sa siya na ang nag-iwas ng tingin saka humarap sa may pintuan, habang ako’y sa mga gusaling nasa tapat lang namin.
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako natutuwa. Looked like she was getting used already saying thank you and sorry.
Totoo pala ang himala.
BINABASA MO ANG
Losing To Win (Lost Series #1) | Completed
Teen FictionFelicie Tarcelo is a woman who loves to compete. The reason? It's because she believes that she will never lose. Confidence fuels her competitiveness, as competitiveness drives her to win, and winning feeds her satisfaction as it makes her achieve t...