Chapter 13

95 12 47
                                    

LTW 13

Felicie


Symptoms of my illness were showing real quick. Kada paggising ko’y may makikita na agad akong mga pasa sa ‘king katawan, at kaunting kamot lang, dudugo na agad sila.

Nakakapunyemas.

Matapos ang araw na ‘yon, na dumugo ulit ang ilong ko, hindi ko na napigilang mas maging conscious pa sa ‘king sarili.

“Are you sure you’re okay?” Win asked as we were eating inside the cafeteria.

I stopped rubbing my back and forced a smle. Punyemas. Everything was just so itchy.

“Bakit ba kasi hindi mo na lang kausapin ang kambal? Hindi ‘yong sa ‘min ka sama nang sama,” sambit ni Allyon habang sumusubo sa pagkain niya.

Agad ko siyang tinaasan ng kilay. “Paki mo? Saka excuse me lang, hindi rin kita gusto kasama kaya ‘wag kang maarte.”

“Aba’t—” Bago pa man niya ako mahampas ng kutsara, agad na kaming inawat ni Win na nakatingin sa hawak kong baso ng tubig.

Subukan lang niya, bubuhusan ko naman siya e.

“Pwede ba? Ang ingay n’yo, nakakaumay na.”

“E kasi naman! Pagsabihan mo kaya ‘yang bruhang ‘yan. Masyadong matabil!”

Magkakrus ang kamay na ginaya ko siya. “Pagsabihan mo kaya ‘yang bruha na ‘yan, masyadong matabil.”

Ngunit mukha namang mas nainis si Win na napasuklay sa kaniyang buhok. “Hindi ba talaga matatapos ang isang araw na hindi kayo nag-aaway?”

“Putek, mas mauuna pang matapos ang buhay niyan ‘no. ‘Di ka pa matigok,” pasaring niya sa ‘kin na siyang ikinalunok ko.

Maging si Win ay nasamid saka napatingin sa ‘kin.

Tila umurong ang dila ko.

Parang dati lang, kahit ako’y ginagawang biro ang pagkamatay.

Hindi pala nakakatuwa.

Sarkastiko akong tumawa. Baka nga, baka mauna pa ako bago kami magkaayos.

Lalo niya ‘kong iniinis.

Tahimik na lang kaming nagpatuloy sa pagkain at hindi ko alam kung bakit. . .

Nakakapanibago.

Gusto ko ng ingay.

Gusto kong patahimikin ang isip ko.

Ayokong mamatay.

Nang hindi ko na kinaya ang katahimikan, nagpaalam na lang akong magsi--CR muna. Ngunit hindi pa man ako nakakaalis, sumunod si Allyson.

“Putek. Ikaw naman kasi, sige na sorry na nga. Ang dali mo namang ma-offend,” aniya habang naglalakad kami.

Tumango na lamang ako. Ayoko namang magpaliwanag, at hindi ko naman siya pwedeng sisihin kasi hindi niya naman ako naiintindihan.

Sabagay, marami siyang oras e.

Ngunit bago pa man kami tuluyang makapasok sa CR, nagpantig na ang tenga ko.

Mabilis kaming sumilip ni Allyson sa nakasiwang na pinto.

“Isang linggo na rin yata girl. Ang alam ko nga pati ‘yong kakambal ni president hindi siya pinapansin.”

“Oo nga e. biglang ihip yata ng hangin, o baka nawala na hangin sa utak niya. Dapat lang naman sa kan’ya ‘yon e. Kahit pa anak siya ni Gov, if basura naman ugali, iiwan at iiwan ‘yan. Buti nga natauhan sina Aeiou e, saka buti na lang talaga hindi sila—”Agad naputol ang kaniyang sinasabi nang malakas kong sipain ang pinto “—Shit.”

Losing To Win (Lost Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon