LTW 10
Win
My grip on my phone tightened as a notification popped on it. Pambihirang no internet connection iyan.
Kauuwi ko lang galing sa trabaho at una kong ginawa ay mag-load para sana i-chat si Felicie. Kaso mukhang sayang lang ang 50 Pesos ko.
Gusto ko lang naman tanungin kung bakit siya absent kanina. Nagpakawala ako ng malalim na hininga, saka itinulog na lamang ang pagkainis ko.
Bahala na nga.
Ngunit sa kasamaang palad, hindi ako dinalaw ng antok. Bigla kong naalala ang sugat sa kamay ni Allyson kung kaya’t nagmadali akong bumangon. Agad akong lumabas ng aking kwarto at naabutan ko naman siya sa sala, nakatulala.
“Bakit gising ka pa?” tanong ko matapos umupo sa kaniyang tabi, alas-onse na rin kasi kami umuwi galing sa trabaho. Marami kasing costumer ngayon, pero ayos na rin at marami ring pera.
“Kala ko tulog ka na potek. Ewan, ‘di ako makatulog e.”
Tumango lamang ako at hindi na sumagot pa. Kilala ko si Allyson, gaya ko, kapag may problema’y ayaw niya ng maingay.
Nanatili lang kaming tahimik.
Gusto ko lang iparamdam na hindi siya mag-isa.
Hanggang sa siya na mismo ang nagsalita.
“Nag-chat sa ‘kin si Papa. Tangina niya, matapos niya kaming iwan?” nakatungo niyang sambit saka sarkastikong tumawa.
“Matapos kong maghabol sa kaniya at magmakaawa na ‘wag siyang umalis? Gago pala siya e, dapat ‘di siya nagloko noon. Nakakatawa lang, gusto niya raw ako makita, babawi raw siya.”
Hanggang sa unti-unting nabasag ang boses niya. “Nakakainis kasi. Kung kailan ayos na ‘ko at nakalimutan na namin siya ni Mama. Tanggap ko na ngang may anak siya sa iba ‘di ba? Tanggap ko na ngang mas maayos ang buhay ng anak niyang ‘yon kaysa sa ‘kin. Tanggap ko na ngang. . . ang daya kasi e. Ang daya-daya. Ano ba kasing mali sa ‘kin Win? Masaya naman kami dati, anong naggawa kong mali?”
At nang umiyak siya’y agad ko siyang niyakap. Tinapik-tapik ko ang kaniyang balikat sa pag-asang siya’y kakalma.
Noong nawalan ako ng mga magulang, hindi ako iniwan ni Allyson hangga’t hindi umaayos ang pakiramdam ko. Siya ang nand’yan noong mga panahong ayoko na ring mabuhay, kaya ngayong siya naman ang may kailangan ng karamay, hindi ako magdadal’wang isip— sasamahan ko rin siya.
“Walang mali sa ‘yo Ally, mabuti kang tao. Sana alam mo ‘yon.”
Sana alam niyang may halaga siya.
•• •
Sabi na e, hindi na dapat ako naging concern pa sa babaeng ‘yon. Kung makatingin sa ‘kin, akala mo naman hindi ako binuhsan ng tubig noong Sabado.
Pairap-irap pa. E nangumusta lang naman ako, nagtanong kung bakit lumiban siya.
Napakalabo. Ang taray talaga.
Nang nagsimula ang klase, nangangati ang paa kong sipain ng malakas ang upuan niya. Akala mo naman hindi umiyak sa balikat ko, napakayabang niya na ulit gaya ng dati. Kung pwede nga lang siya ang sumagot sa bawat tanong ng teacher namin, baka naggawa niya.
Pero mabuti na siguro ‘yon, kaysa naman umiyak siya ulit.
Nang tanungin ako ng teacher namin tungkol sa tinuturo niya, agad akong sumagot. At hindi na ako masyado nabigla nang batikusin iyon ni Felicie.
BINABASA MO ANG
Losing To Win (Lost Series #1) | Completed
Roman pour AdolescentsFelicie Tarcelo is a woman who loves to compete. The reason? It's because she believes that she will never lose. Confidence fuels her competitiveness, as competitiveness drives her to win, and winning feeds her satisfaction as it makes her achieve t...