Chapter 7

127 17 25
                                    

LTW 7

Felicie

 
Did I just tell him that thing? I let out a deep sigh and bit my lower lip. I was on my study table, rewinding in my mind what had happened and. . .

Punyemas! Mas madaldal pa ako sa lasing.

Hindi ko dapat sinabi iyon. Inis akong napasabunot sa 'king buhok. Ang tanga-tanga ko. Nakakainis.

Sa huli ay mas pinili ko na lamang kumalma. Napabuga ako ng hangin na siyang ikinagulo ng bangs ko. Ayokong hingalin na naman ako.

My room was already dimmed. Tanging liwanag na lamang mula sa lamp shade ng aking mesa at pekeng bituin na inilagay ko sa kisame ang umiilaw. Punyemas kasi, hindi ako makatulog.

Sa totoo lamang ay wala akong balak ipagsabi ang bagay na iyon kahit kanino. Kahit pa sa mga magulang ko. Tanging kami lamang ni Tita Alicia, kapatid ni Mom na doktor ang nakakaaalam na kasulukuyan akong sinusuri.

I was just too tired of everything, and I thought it was normal.

There were days that even just brushing my teeth hurts, minsan ay nadugo pa nga ang gilagid ko na isinawalang-bahala ko lang. At noong mga nakaraang araw, madalas sumakit ang ulo ko. Madalas na rin akong kapusin ng hininga at ang pinakanakakaalarma, ang batok ko. . . ang daming pula-pula. Tapos ang bilis ko pang magkapasa.

Paano ako hindi kakabahan sa gano’n?

At dahil masyado na rin akong nababalisa no’ng panahong ‘yon, agad na akong komunsulta kay Tita. At punyemas, hindi ko nagustuhan ang narinig ko.

Hindi nakakatuwang marinig na posibleng may cancer ako.

Ni hindi nga ako nanonood ng mga movies na may sakit ang bida, tapos ganoon? Punyemas.

Kapag naiisip ko lang ‘yon ay naiisp kong mamatay ako.

At katangahan kung sasabihin kong hindi ako natatakot. Ayoko n’on.

Tapos nasangkot pa ako sa nang-away kay Win. At nangyari lang naman ang kinakatakot ko, ang mahimatay.

Kahit hindi pa dumadating ang result ng blood at bone marrow test ko ay napapaisip na akong baka. . .punyemas, baka totoo nga.

Paano kung ikamatay ko ‘yon?

Napakagat ako sa ‘king kuko. Umiling.

Hindi pwede.

Hanggang sa hindi ko na napigilang mapaluha nang dumako ang aking paningin sa kisame ng aking kwarto.

Pumikit ako.

If You are true, then please don’t let me have Leukemia. I’m begging You.

Please.

I was just really so afraid of it. Gusto ko pang mabuhay. Marami pa akong kailangan patunayan kaya hindi pwede. Hindi ako pwedeng magkasakit.

Agad kong pinahid ang aking luha saka dinako ang paningin sa laptop na nasa aking mesa. I immediately opened it and logged in my Facebook account. Bahala na kung lumabo ang aking mata, gusto ko ng distraction.

The twins were online. Nagtatalo ang aking isip kung sasabihin ko ba sa kanila o hindi. Gusto kong sabihin sa kanila na natatakot ako, na ayoko nito. But the consequences of telling it were more frightening than my fear of getting sick. Ayokong kaawaan.

Hindi ko gugustuhing mag-alala pa sila sa ‘kin. Lalo na si Aeiou, ayokong guluhin pa siya. Ang dami niya ng problema sa student council ng school. Tama na ‘yon.

Losing To Win (Lost Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon