LTW 1
Felicie
Napangisi ako. Ang ingay ng mga tao sa auditorium ay nagpagpagana sa 'king mas ipakita pa na magaling ako.
Tama, magaling ako. Chin up, my head would never be looking down.
Hawak ng ka-partner ko ang white board kung saan nakalagay ang aming sagot for the quiz bee.
Magkakaiba kami ng sagot ng aming mga kalaban, and for sure, ours was correct. Palagi naman.
Kailan pa ba ako natalo?
Never.
Wala akong pake kahit sabihin nilang mayabang ako kasi. . . totoo naman at deserve ko magyabang, I always do my best, I never settled on mediocracy kasi, bakit naman? Mainis na lang sila kung mainis, pake ko ba? Hindi naman ako magtatagumpay dahil sa kanila. Kaya ko ang sarili ko.
At habang naghihintay ng announcement ng emcee kung tama ba ang sagot namin, tila lumilipad na naman ang isip ko. I was thinking if I'd go to salon after I win or I'd buy new designer items with Aeia? Argh, I couldn't wait to celebrate already.
For this year's Science Fair kasi, kami ni Aeiou ang napiling lumahok sa quiz bee ng section namin. Ewan ko nga kung bakit by pair pa, e kaya ko naman 'tong mag-isa.
"Parang mali ang sagot natin." Agad akong napatingin kay Aeiou nang sabihin niya iyon.
Ha?
Ibinaba niya ang aming white board at napahawak siya sa kaniyang sentido habang tinitignan iyon.
"Anong mali? Tama 'yan," giit ko. Ang sagot namin ay Ionic Bond. Inaral ko 'yon, kaya sigurado akong tama ako. Ano bang sinasabi niya?
Kalokohan.
Pero punyemas naman. Naiinis tuloy ako bigla. Alam niya namang huling tanong na 'to at for ten points, saka niya pa nakuhang magduda. Punyemas talaga.
No. Hindi pwede.
Ngunit imbes na ipagpilitan ang hinala niya, nginitian niya lang ako na siyang ikinalabas ng dimples niya. Akala niya yata madadala niya ako sa pangiti-ngiti niya.
Ha! Asa!
At nang guluhin niya ang buhok ko, agad ko siyang hinampas. "Para kang tanga!"
Ngunit lalo lang siyang ngumiti. "Cute mo."
Punyemas, cute niya mukha niya. Puro siya katangahan.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil hindi niya ako inaaway o ano. Lagi naman siyang gan'yan, ayaw makipagtalo sa 'kin kahit halata namang gusto nang tuligsain ako. Parang tanga lang.
Kapag talaga ako tama, isusupalpal ko sa kaniya ang white board, makita niya maling sinasabi niya. Kainis.
Argh. I shouldn't be stressed! Ngiti na lang, ngiti.
Nang matapos na ang countdown ay muling itinaas ni Aeiou ang white board. I know i shouldn't doubt myself so I heaved a deep sigh. Right, why would I? Ngumisi na lang ako.
Come on luck, be with me.
"And the correct answer is. . ." Napangisi lalo ako nang binitin pa ng emcee ang kaniyang sasabihin. Akala niya yata madadala pa ako sa gano'n. Kaso hindi na. Normal na sa 'kin ang tumayo at tumanggap ng award, sanay na ako— wait? Ano?!
Sa isang kisapmata, nawala ang ngiti ko.
"Chemical Bond!"
Ano?!
Para akong narindi, saka napaalis sa pagkakasandal sa 'king kinauupuan. Marahan akong umiling, teka nga. . . nagjo-joke ba sila?
Gago. Hindi nakakatawa. No
BINABASA MO ANG
Losing To Win (Lost Series #1) | Completed
Teen FictionFelicie Tarcelo is a woman who loves to compete. The reason? It's because she believes that she will never lose. Confidence fuels her competitiveness, as competitiveness drives her to win, and winning feeds her satisfaction as it makes her achieve t...