Chapter 27

71 9 39
                                    

Felicie

Every wrong decision came a consequence.

Ilang araw na ba akong tumatakas sa realidad?

Nakapako lamang ang aking paningin sa TV sa ‘king harap, habang ang aking likod ay nakasandal a headboard ng kama— habang ang aking paghinga’y pabigat na naman nang pabigat.

Pwede bang hindi na lang sila makulong?

“Nahatulan nang guilty sina Governor Tarcelo at asawa nito sa patong patong na kasong isinampa laban sa kanila. Natapos ang hearing kani-kanina lamang alas-dos ng hapon, at kasama sa nahatulan ay ang ilang kasamahan ng mag-asawa, kabilang na rito ang suspect sa pagpatay kina Atty. Manalo na si Aeiou—”

Hindi ko na napigilan ang aking sarili at malakas na ibinato ang remote matapos pindutin ang power off button nito.

Punyemas. Akala ko tanggap ko na.

Mahina akong napatawa mag-isa sa ‘king kwarto at tila may sariling isip ang aking bisig na niyakap ng aking mga tuhod.

Mom, Dad. . .

Hanggang sa hindi ko na napigil ang pagtulo ng luha, kasabay nang lalong paghigpit ko sa ‘king yakap.

Hindi ko matanggap.

Kung alam ko lang na hindi pala itong cancer ko ang makakapaghiwalay sa ‘min. Punyemas, sana. . . sana sinabi ko na lang agad. Sana mas naging bukas pa ako sa kanila at pilit inunawa sila. Sana. . .  

Hindi ba talaga pwedeng hindi na lang sila makulong?

Hindi ba pwedeng. . . kahit minsan, maging ayos kami?

“Prove me you are worthy to be my daughter Felicie, prove us.” That was what Dad would always say everytime I’d fail.

And everytime I’d compete.

Nakakarindi na.

Nakakasawa.

At tama nga ako, heto na naman siya.

Pinigilan ko ang pag-ikot ng aking mga mata habang naghahapunan kami sa bahay. Kasasabi ko lamang sa kanila ni Mom ang sasalihan naming quiz bee ni Aeiou at akala mo naman pang-national TV na agad ‘yon, e sa school lang naman. Kainis.

Imbes na makipagtalo ay tumango na lamang ako, ngunit bago ko pa matapos ang aking kinakain ay laking gulat ko nang lagyan na naman ni Mom nang gulay ang plato ko.

Sabing ayoko nga ng gulay!

“Kainin mo ‘yan para naman lumakas ka. Kagagaling mo lang sa lagnat ta’s lalaban ka na naman? Balak mo bang pagurin ang sarili mo, ha?” striktong tanong ni Mom matapos punuin ng gulay ang plato ko.

“Mom, magaling ang anak mo kaya wala akong choice. At saka, hindi naman nakakapagod ‘yon. Magsasagot lang naman ng kaunti at tapos na ah,” tugon ko na hindi niya naman pinansin.

Tignan mo ‘to. Kinokontra lang naman ako e. Diyan siya magaling, lahat na lang ng ginawa ko, para sa kaniya ay mali.

Kainis.

Nakabusangot kong tinignan si Dad na mukhang nagpipigil ng tawa sa ‘ming dalawa. Tatawa-tawa pa.

Ah basta. Bahala sila!

———
 

“Mom! Mahuhuli tayo sa kuhanan ng card, ano ka ba? Ang tagal mo naman!” Inip kong sigaw habang naghihintay sa pintuan ng kwarto nila.

Losing To Win (Lost Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon