Chapter 23

80 10 33
                                    

Win

I should have not come here.

“Win, parang awa mo na. . .” Halos mabasag na ang kaniyang boses kaiiyak, kapapakiusap na gawin ko ang bagay na hindi pwede— ang palayain ang pumatay sa mga magulang ko.

Kuy was saying something on my side but my focus was on her. Maging ang pulis na kausap namin ay umalis na rin, habang si Doctora ay nakahawak sa wheelchair niya.

Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung bakit ang hirap iiwas ng tingin ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ang sakit na makita na naman siya.

I thought I succeeded ditching her.

But then again, I failed.

How would I not?

"I like you, Win.

Her cold hands were holding my mine— trembling. Her tears were warming my heart— that I thought was already cold enough.

Everything started melting, just upon seeing her. At muli, nagtutubig na rin ang mga mata ko.

Ngunit mali— mabilis ko iyong pinawi. Hindi dapat ako nagpapaapekto, hindi dapat ako nagpapatalo sa emosyon ko.

Agad kong iniwas ang paningin ko sa kaniya. Ngunit sana, sana pala pati ang aking pandinig ay kaya ring iwasan ang tunog ng kaniyang paghikbi.

Kaso hindi.

Hindi ko man lang maggawang patahanin siya.

Gusto kong mabingi— mali, gusto kong tuluyan nang maging manhid.

"I like you,Win."

Mabilis akong umiling.

Kinokonsensiya niya ba ako? Na hindi ko man lang nasabi sa kaniya kung gaanoo ko siya kagusto?

Tangina.

Tama na.

At imbes na hawakan din ang kaniyang kamay. . . bumitaw ako. Pikit-mata.

“Win, 'wag namang ganito. . .”

Ngunit umiling ako. Mabigat ang paghingang pinanlisikan siya ng mga mata. Tama si Kuya, magpapaawa lang siya sa 'kin at ano? Magpapa-uto ako?

Pagod na akong maging tanga.

Nang muli kong maramdaman ang pagpatak ng luha sa 'king mga mata, mabilis ko iyong pinawi. At bago pa ako tuluyang maiyak nang husto, tumalikod na ako saka mabilis na tumakbo.

Narinig ko ang pagtawag ni Kuya, ngunit hindi ko iyon pinansin. At nang marinig ko na ang hagulhol ni Felicie. . .

Hindi ba siya mapapagod umiyak?! Nakakasawa na!

Hindi ako lumingon. Hindi ko siya pwedeng pipiliin ngayon. Nanatili lamang akong tumatakbo hanggang sa makalayo ako sa kanila. Hindi ko pinansin ang biglaang pag-ambon, ang paglubog ng araw— senyales na magiging madilim na muli ang lahat.

Hindi na ako maliwanagan.

Hanggang sa maramdaman ko na ang pagkapit ng ulan sa 'king damit. Napatigil ako sa ng hilera ng mga tindahan, sa kabilang kalsada— saka napasuklay sa 'king buhok. Marahas. Pinigilan kong sumigaw. Pinigilan kong magwala. Kaso hanggang kailan pa ba?

Patuloy lamang umagos ang mga luha katulad ng pagbuhos ng ulan. Kailan ba titigil ang lahat?

Sa gilid ko'y mga nagdadaanang mga tao, gaya ko'y sumisilong. Mga takot mabasa, ngunit nasisiyahang matakot. Ang ingay nila.

Nakatayo lamang ako rito habang inoobserbahan ang lahat nang paggalaw, ang pagtigil upang gawin ang gusto nila— mamili.

Mukha silang masasaya. Ang daya.

Losing To Win (Lost Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon