Felicie
It was indeed hard to act like everything was okay, when in reality, everything was getting all fucked-up.
After bidding my goodbye, the pain in my stomach seeked for my attention. Biting my lips, I tried enduring it. I tried neglecting it.
"Sabihin mo 'pag nasusuka ka. 'Wag mo ipilit."
Punyemas.
Why was it so hard to be honest? Ang hirap-hirap magpakatotoo. Hindi ko gusto ang katotohanang mayroon ako.
Napahampas ako sa bintana ng sasakyan. Muli, pinigil ko ang nagbabadyang luha. Pinigil ko ang nagbabadyang sakit.
Kaso ang bigat e. Ang bigat-bigat ng lahat.
"Pakibaba sa gasolanihan." I tried making my voice firm even if it was already near to be broken. Agad namang sumunod ang aking driver kaya agad akong tumalima sa restroom.
I opened a cubicle there and in just one snap, everything I was withholding got unleashed. My stomach pushed everything I ate, my eyes pushed the warmth of my despair.
It was as if my body was a faucet, and everything in me was dripping and dripping, making me drained.
Nanghihina akong napakapit sa pader matapos kong isuka ang lahat. Agad kong pinawi ang aking mga luha saka lumabas at tinignan ang aking sarili sa salamin.
I. . . I look awful.
Namumugtong mga mata. Namumutlang balat. . .
And when I ran a finger on my hair, sarkastiko akong napatawa.
Nanlalagas na mga buhok.
Muli, kumawala ang mga luha habang pinagmamasdan ko ang aking repleksyon sa salamin. I fucking look like a loser now. I look weak. I look fragile.
I look struggling.
No Felicie, kaya mo 'to. Kaya mo.
Mariin akong pumikit at inalala ang mga sinabi ni Win.
"Everything will be okay. Everything will be okay. Everything will be okay." Paulit-ulit ko iyong sinabi habang nakapikit, habang tumutulo ang mga luha. At habang sinasabi ko ang mga katagang 'yon ni Win, unti-unti, nabubuo ang pag-asa. Unti-unti, gumagaan ang lahat.
At nang buksan ko ang aking mga mata, nagpakawala ako ng malalim na hininga. Kaya ko 'to.
Unti-unti, kumurba ang ngiting tila bahaghari. Kasabay niyon ay ang pagpawi ko ng bakas ng ulan sa'king mga mata.
"Everything will be okay."
-----
The wind was blowing strong despite of how bright the sun was. I could even feel the heat touching my face, and the breeze ruffling our hair.
"Dapat nagpahinga ka na lang muna."
Kanina pa kami ni Win sa may rooftop, at hanggang ngayo'y hindi pa rin niya nauubos ang hawak niyang soda na nasa lata. Matapos kasi ng lunch ay dito na kami dumiretso. Magkasama si Aeia at Allyson na tumutulong sa paggawa ng booth. Habang si Aeiou naman ay pinaninindigan ang pagka-presidente.
Kami ni Win? Ewan. Tumatakas sa lahat.
Dalawang araw na rin ako liban, at sa dalawang araw na 'yon ay hindi rin naman nagklase dahil sa upcoming school activities. Hanggang ngayon, wala ring klase.
We were both looking at the buildings in front us, leaning our arms on the railings. "That's boring. Ayokong magmukmok lang sa bahay. Pakiramdam ko pasyente talaga ako 'pag nando'n lang ako. I'm much stronger for that, you know?"
BINABASA MO ANG
Losing To Win (Lost Series #1) | Completed
Novela JuvenilFelicie Tarcelo is a woman who loves to compete. The reason? It's because she believes that she will never lose. Confidence fuels her competitiveness, as competitiveness drives her to win, and winning feeds her satisfaction as it makes her achieve t...