Chapter 28

71 9 22
                                    


Felicie

Courage. That was what it takes to forgive.

Could I really do that?

Nang makaalis sina Mom ay muli akong naghintay ng ilang minuto sa ‘king tayo— pinapanood ang ilan pang mga bumibisita kagaya ko, ang mga pulis na nagmamanman sa bawat galaw namin.

Parang gusto ko biglang umatras. Bumalik na lang kaya ako sa ospital?

Ngunit nang ibaling ko muli ang aking paningin sa pintuan, nakaita ko si Win.

He was patiently waiting from there, and as he saw me, a smile flashed on his face.

And with that, the gloomy ambiance the room had gradually got vibrant.

Everything will be alright.

So I smiled back. His smile made my courage got refilled.

Tama, kakayanin ko ‘to.

Hanggang sa tuluyan na ngang natapos ang aking paghihintay. Hawak-hawak sa magkabilang braso ng dal’wang pulis ay dumating na si Aeiou. . . na nakangiti pa rin— peke. He looked so tired with his orange shirt.

Isa lang yata ang hindi niya kapapaguran, ang magpanggap.

At tinotoo nga niya ang sinabi niya, kaya lamang hindi ko inakalang dito pa ‘yon mangyayari. . . na magpapakalbo siya.

Agad akong nag-iwas ng tingin. I hadn’t envisioned seeing him like that.

He was just too good to me.

“Ang tagal mo na ‘ko iniiwasan ah. Kumusta ka na?” Nakangisi niyang tanong matapos makaupo sa ‘king harap. At nang makaipon muli ako ng lakas ng loob ay hinarap ko siya, saka niya ipinatong ang nakaposas niyang mga kamay sa mesa.

That handcuffs. I never thought he'd have that in his hands. My lips slightly parted while looking at it, and I hadn't won over the trembling of my lips anymore.

Until I felt the familiar heaviness in my eyes again.

Everything was just too hard to digest.

Aeiou had been a good friend to me ever since, but I. . .

Bakit kasi siya gumawa ng mali?

I had no choice. Kailangan ko siyang isuplong sa mga pulis.

Kahit mahirap.

At ngayo'y ang hirap hirap nang tignan siya. Hindi ko na napigilan pang muling mapaiyak.

Gamit ang nakaposas niyang mga kamay ay sinubukan niya akong abutin. “Hey, did I do something wrong? Felice, may ginawa ba ako?”

I wanted to shout at him like what had been planned in my mind, tell him that what he did was horrible. That Win lost his parents because of him and whatever his reason would be, it wouldn't. . . it wouldn't bring back lives. I wanted to slap him the truth that what he did was unforgivable but. . .

The anger I had was overpowered by guilt.

Sana kasi tinanong ko rin siya kung ayos pa ba siya o hindi. Hindi naman mahirap ‘yon e, makasarili lang ako.

So I didn't speak.

Until suddenly, he bursted into laughter while looking at me shed my tears.

Napahawak pa siya sa kaniyang tiyan na parang ayos lang sa kaniya ang lahat, na makukulong siya rito ng ilan taon. . . o hanggang sa pagtanda na. Na parang wala siyang pinatay.

“W-Why. . . why do you have to—”

At unti-unti siyang napatigil sa pagtawa, habang ang mga mata niya’y nanunubig na rin. “To kill them?”

Losing To Win (Lost Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon