Chapter 14

87 11 48
                                    

LTW 14

Win

“Napapadalas na ‘yang liban mo sa trabaho ah,” sambit ni Jake, isa sa katrabaho ko.

Tambak ang aming hugasin, at hindi ko alam kung paano namin nakukuhang magkwentuhan pa rin.

“Kaya nga. Nagsabi na naman ako kay Boss,” tugon ko habang nagbabanlaw ng mga plato, siya naman ay nagsasabon nito.

“Maaga rin pala ‘kong uuwi mamaya, exam namin bukas e. Ikaw na bahala.”

Mahina siyang napatawa. “May maggawa pa ba ‘ko? Sige na, pasalamat ka malakas ka sa ‘kin.”

Tipid ko naman siyang nginitian saka ipinagpatuloy ang aming ginagawa. Kung pwede lang kasi talagang tumigil na ‘ko sa pagtatrabaho, kaso ang dami ko pa talagang gastusin.

Saka ko naalala ‘yong nagbayad ng limang libo na utang ni Kuya. Gusto ko sana iyong pasalamatan, kaso hindi ko naman kilala kung sino. Sana na lang maging masaya siya.

Nang magsaktong alas-otso na’y nagpaalam na ‘kong uuwi. Habang nag-aabang ng dyip, naisipan kong mag-Facebook sandali.

Napangiti ako sa ‘king sarili. I didn’t expect there would be a time that my account would be exposed, resulting to new friends.

Si Felicie kasi.

She posted a myday of our conversation and later that moment, the twins sent me a friend request.

Lalo pa ‘kong napangiti nang makita ang group chat namin.

Pambihira, si Aeia talaga.
 

Squad ni pretty aeia
Active

Felicie
Bakit iniba mo na naman @aeiablanco name ng gc natin?

Napakahambog mo

 
Allyson
For the 1st time! Ngayon lang ako sasangayon sau bruha ka haha! Sabing gc ka soho na lang kc uwuuuuu

Ay typo, felicie pala un d bruha hehehe

Felicie Tarcelo removed Allyson De Chavez from the group

Aeiou
Bat no niremove

*mo

Felicie
Naiinis ako e

Punyemas
 
Aeia
#3guard

#familyislove #butthurt

#ImSoPretty

Uy active si win. Hello naman @light yagami, panotice naman poooo

Aeiou Blacnco added Allyson De Chavez to the group


Allyson
LETSEEE KA FELICIEEEE

10X

grrrr

Hindi na ako ng-abala pang mag-reply nang makasakay na ‘kong dyip. Pambihira, kung siguro may nanonood sa ‘kin baka akalain na nilang nababaliw ako. Hindi na kasi nawala ang aking ngiti. Ang kulit naman kasi ng tatlong babae na ‘to.

Pagkarating ko naman sa bahay, pagbubunganga agad ni Allyson ang bumungad sa ‘kin. She was sitting on the floor, near the outlet where her phone was charged, forehead creased.

“Lintek na Felicie ‘to! Napakabruha talaga!”

Napailing na lamang ako. I thought she’d be reviewing for the exam since she didn’t attend work but. . . sige na nga, bahala na siya.

Losing To Win (Lost Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon