PINAGPAPAWISAN NANG malapot si Arwin nang araw na iyon. Ilang beses niyang ipinagkiskis ang dalawang palad. Nakaharap siya ngayon sa kanyang laptop at nag-iisip kung itutuloy niya ba ang plano niyang gawin. Natatakot siya na baka maging isang malaking epic fail ang mangyari.
Finally, magsusulat na siya ngayon ng isang romance novel. Susubukan niya lang. Alang-alang sa kanyang makukulit na fans na wala nang ibang ginawa kundi ang kulitin siya through the internet. Charge to experience na lang rin iyon. Who knows? Baka maging ka-level niya pa sina RJ Nuevas at Suzette Doctolero. Baka nga maka-level niya pa si Stephenie Meyer na author ng Twilight Saga Series. Milyonarya na ito ngayon sa fantasy-love story na isinulat nito.
"Oh c'mon, Arwin. Mag-isip ka naman. Wala kang mapapala kung tutunganga ka," parang tangang sabi niya sa sarili. "Wala kang silbi eh. 'Yan ang hirap sa'yo."
Napakamot siya sa kanyang batok. Alas nueve y media na ng gabi pero wala pa siyang nako-construct ni isang paragraph. Dalawang oras na siyang nakanganga sa harap ng kanyang laptop. Papasukan na ng langaw ang bibig niya ay ayaw pa ring gumana ng utak niya.
"Tungkol naman kaya saan?" tanong ulit niya sa kanyang sarili. "About a girl who fall for her sister's boyfriend? O kaya, tungkol sa super enemies na na-develop sa isa't isa? Uhmm... Tungkol na lang kaya sa isang writer at sa isang epal na babae?"
Napangiti siya nang masabi ang huling idea na naisip niya. Ano nga kaya kung gan'on ang isulat niya? Subukan niya kaya?
Nagsimula na siyang tumipa sa keyboard.
Walang makakapantay sa kasikatan ni Drake. He was a very successful author na tinitingala ng lahat ngayon. However, he's still incomplete. Sa kabila kasi ng kanyang katanyagan ay wala pang babaing nakakabihag ng kanyang puso.
"Parang ako lang ah," nakangiti niyang sabi. Normal na sa kanya na kausapin ang sarili sa tuwing gumagawa ng isang nobela. Kung minsan nga ay natatawag na siyang baliw ng mga kaibigan niya. Kahit ang Mommy niya ay napapailing sa tuwing nakikita siya nitong nagsusulat.
Muli siyang nagsulat.
Sa katunayan, isa siyang author na allergic sa romance stories. Never siyang gumawa ng nobelang may gan'ong konsepto. Hindi dahil sa nandidiri siya o kung anupaman. Sadyang ayaw lang kumilos ng kamay niya kapag usapang pag-ibig ang isusulat.
Hindi niya alam kung may kapareho siyang nilalang sa mundo. Alam niyang maraming writers ang hindi talaga nagkakaroon ng lovelife. Pero hindi naman siguro allergic ang mga ito sa pagko-construct ng mga love stories. Iba siya. Manong na kung manong pero ano ba'ng magagawa niya?
Mahaba pa sana ang isusulat niya dahil natutuwa siya sa kanyang ginagawa. Kaya lang ay natutulig na siya sa ingay na nanggagaling sa kapitbahay. Noong isang araw pa siya nabubulabog sa kung anong inagy na ginagawa ng mga ito. Tuwing alas once pa natatapos ang pag-iingay ng mga ito kaya sa ganoong oras pa lang siya makakapagsimulang magsulat o mag-concentrate.
Napagdesisyunan niyang tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Pupuntahan niya ang maingay na bahay na iyon. Giyera na kung giyera pero ipaglalaban niya ang karapatan niya. Kung kinakailangan ay irereklamo niya pa sa may-ari ng subdivision ang taong pasimuno sa pambubulabog na iyon.
Naaasar siyang pumanaog ng hagdan. Kung kailan ba naman kasi may naiisip na siyang konsepto para sa susunod niyang nobela ay saka naman nang-istorbo ang kapitbahay niyang pagkagaling-galing.
Saglit na saglit lang ay nasa harap na siya ng pinto ng kanyang best kapitbahay. Nakabukas ang gate kaya dumirecho na siya hanggang sa pinto. Mabilis niyang pinindot ang door bell. Ilang ulit niya iyong ginawa bago pabalagbag na kinatok ang pinto.
Naiinis na talaga siya. Gaano ba kawalang pakundangan ng taong nakatira sa bahay na iyon? Hindi man lang ba nito naiisip na marami itong maaabala?
Narinig niya ang paghinto ng tugtog at pagkanta sa loob ng kabahayan. Ihinanda na niya ang sarili. Sigurado siyang lalabas na ang may-ari ng bahay.
Bumukas nga ang pinto. Iniluwa niyon ang isang babaing mukhang rakista ang suot. Maputi ito, matangos ang ilong na binabagayan ng isang pares ng mapang-akit na mata. She even had a very sensual, red lips na para bang gustung-gusto niyang halikan. Naka-high pony tail ito kaya kitang-kita ang maputi nitong batok.
The woman was wearing a black sleeveless, and a black padel shorts. Punung-puro rin ng mga itim na burloloy ang katawan nito. Naka-black sneakers rin ito at maging ang cutics nito ay purong itim.
Pretty witch.
"Anong kailangan nila?" pormal pero malamig nitong tanong sa kanya bago pinag-krus ang dalawang braso sa harap ng dibdib nito. Malakas ang appeal nito pero napakataray kung titingnan.
Nag-init ulit ang ulo niya. Akala mo kung sino itong makaasta. Samantalang maituturing na nga itong salot sa subdivision nila. "Miss, if you don't mind, pwede bang pakitigil niyo 'yang ingay na ginagawa niyo? You're disturbing a lot of people around."
Umarko kaagad ang kilay nito. "Ano bang iniinda mo? Wala ka namang pakialam sa ginagawa naman dito. And for your information, Manong, nagpa-practice kami para sa performance namin mamaya."
"Nagpa-practice? You're just wasting your time. The same as the time of other busy people! Akala niyo ba music ang ginagawa niyo? What you're making is just a loud noise! At, hoy demonyita! 'Wag mo kong matawag-tawag na manong ah!" galit na galit niyang litanya.
Parang umusok ang ilong ng babae sa sobrang inis. "Hoy!" anito na dinuro-duro pa siya. "Ang lakas ng loob mong sabihin 'yan! Kung ayaw mo ng ingay, doon ka sa bundok magpunta! Akala mo kung sino ka! Bakit? Sino ka nga ba, ha? Tagadito ka ba?"
"Ako lang naman 'yung may-ari ng bahay diyan sa tabi ng bahay mong maingay! Buti sana kung magaganda ang boses niyo eh. Kaso para lang kayong mga latang walang laman! Naiistorbo niyo 'yung trabaho ko!"
"'Kapal naman ng mukha mong bisugo ka! Bago ka pa lang naman pala dito eh! Kung hindi ka sanay, bumalik ka na kung saang kweba ka man galing!" palaban pa rin nitong bulyaw sa kanya. Humakbang pa ito palapit sa kanya. "H'wag mo kong susubukan ah! Pumasok ka ng walang paalam sa bahay ko! Pwede kitang kasuhan ng—"
Hindi pa man tapos magbunganga ang babaing kaalitan niya ay tinalikuran na niya ito. Wala siyang panahon para kausapin ang walang kwentang tao tulad ng taklesang babaing 'yon. Sa may-ari na lang mismo ng subdivision siya aapela bukas ng umaga.
"Hoy panget! Sa'n ka pupunta! 'Wag kang bastos! Buwisit ka!" hiyaw pa nito na naririnig niya hanggang sa gate ng bahay nito.
Lumingon siya sa huling pagkakataon. "Wala kang kwentang kausap. Kung ako sa'yo, mananahimik na lang ako kung ayaw kong magkaroon pa ng gulo."
BINABASA MO ANG
Once-in-a-lifetime Moment With You (Published under PHR)
RomanceArwin was a writer. Nadine was a band vocalist. Magkaibang-magkaiba ang mga mundong ginagalawan nila kaya daig pa nila ang mga asteroid na nagbanggaan nang minsang magtagpo ang kanilang mga landas. Nadine thought Arwin was better enough to be the ki...