NAGULAT SI Nadine nang walang pasabi siyang hinatak ni Heidi. Gabi na at nakakain na silang lahat kaya naisipan niyang magpahinga muna sa silid na ipinagamit sa kanya ni Arwin. Napakaraming silid sa resthouse ng mga ito kaya binigyan sila ng tig-iisa upang magkaroon daw sila ng privacy.
Katatapos niya pa lamang mag-shower nang mga sandaling iyon at abala siya sa pagsusuklay ng kanyang basa pang buhok. Nakakaramdam na siya ng pagod pero kung tatanungin siya, mas gusto niya pang mag-stay sa tabi ni Arwin. Hindi pa rin kasi siya maka-recover sa halik na iginawad nito sa kanya kanina. Pakiramdam niya ay nakalutang pa rin siya sa alapaap.
"Teka, Heidi. Sa'n mo ba 'ko dadalhin?" nalilito niyang tanong habang nakasunod sa nagpapatiunang kaibigan. Hawak-hawak pa rin nito ang braso niya at parang walang balak na huminto sa paghila sa kanya.
"Shut up, Bhest. Just follow me," anito na animo'y sanay na sanay talaga sa pagsasalita ng wikang banyaga.
Akala mo tunay, bulong ng isip niya habang iiling-iling na nagpapakaladkad sa kanyang mahal na amo.
Nakalabas na sila ng resthouse. Hinila siya nito hanggang sa cottage na inukopa nila kanina. Laking gulat niya nang makita si Arwin at ang mga kabanda niya na nakasuot ng barong. May hawak na gitara sina Drew at Harvey. May bitbit namang Maracas si Crate. Pero hindi iyon ang kumuha ng atensiyon niya.
Napatulala siya nang mapatitig kay Arwin nang mga sandaling iyon. He was wearing the same attire, yet he was able to still look musculine and authoritive in a simple way. May kagat-kagat pa itong pulang rosas maliban pa sa isang bunch ng red rose na hawak nito.
Lumapit ang binata sa kanya. Lumuhod ito sa harapan niya at iniabot ang mga rosas na dal nito. Pagkatapos niyon ay muli itong tumayo at ginagap ang mga palad niya. Siya namang pagtipa ng gitara nina Harvey at Drew.
"Heto na naman," simula ni Arwin sa kantang Sana'y Ako Na Lang ni Jake Vargas habang nakatitig sa mga mata niya. "Sulyap ng 'yong mata. Na nagsasabing, ika'y nag-iisa."
Pinilit niyang mag-concentrate sa kinakanta nito at huwag ma-distract sa pagsayaw ng mga mata nito na para bang sinasabing siya lang ang nag-iisang babaing laman ng puso't isip ng binata. Sa kanyang likuran ay hindi naman magkandaugaga sina Heidi at Albert sa pagtili at panunukso.
"May nagmnamahal na ba sa'yo? Kung wala'y ako na lang. Lahat ibibigay sa'yo ng walang alinlangan. Sana nama'y bigyan ng pansin ang puso kong ito..." pagpapatuloy pa ng binata.
Oh no! Ano bang gagawin ko? Baka himatayin na 'ko sa kilig! paghihisterikal ng isip niya.
Sino ba naman kasing hindi magpa-panic? Kaharap niya kaya ngayon ang pinakaguwapong nilalang sa balat ng lupa. Pakiramdam niya ay isa siyang princess kagaya ni Cinderella at si Arwin naman ang kanyang prince charming. He was the best of all for her. At kahit paulit–ulit niya pa iyong ipangalandakan ay hindi siya kailanman magsasawa.
Nang matapos ang pagkanta ng binata ay hindi pa rin ito kumilos mula sa kinaroroonan nito. Nanatili lamang ito sa puwesto nito na lalong nakapagpa-rigodon ng puso niya.
"Nadine."
Yes mahal kong prinsipe? mangali-ngali niyang sabihin pero pinigilan niya ang matabil niyang dila. "B-Bakit?"
"I'm asking you for the hundredth time. Alam kong nakukulitan ka na sa 'kin but I really want to know the answer of yours," huminga muna ito nang malalim. "Now, Nadine. Gusto ko sanang itanong ulit if—"
"Yes, Arwin!" masaya niyang tugon. Hindi na niya ito pinatapos pa sa speech nito. Tama na ang ipinakita nito sa kanya. Sapat nang mga rason iyon para tanggapin niya ang pagmamahal ng lalaking nasa harap nya ngayon.
"Y-You mean?" tila shocked na tanong ni Arwin sa sinabi niya. "We're now officially on?"
"Oo nga!" aniya. Kung titingin siguro siya sa salamin nang mga sandaling iyon, sigurado siyang mukha siyang nanalo sa lotto. "B-Bakit? Ayaw mo? 'Wag na lang kaya?"
Imbes na sagutin ng lalaki ang pang-aasar niya ay binuhat siya nito at inikot-ikot. Nabitiwan niya tuloy ang hawak niyang mga rosas pero hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataon para damputin ang mga iyon dahil nang ibaba siya ng binata ay masuyo naman siya nitong hinalikan sa mga labi.
Narinig niya ang palakpakan ng mga baliw niyang kaibigan. Masayang-masaya ang mga ito para sa kanila. Masaya rin siya dahil alam niyang botng-boto kay Arwin ang mga kaibigan niya.
"I love you, my princess," masuyo nitong sabi nang maghiwalay ang kanilang mga labi.
"I love you more, prince charming," nakangiti niyang tugon.
"Ay, nakakakilig kayo!" ani Crate na nagboses babae pa.
BINABASA MO ANG
Once-in-a-lifetime Moment With You (Published under PHR)
RomanceArwin was a writer. Nadine was a band vocalist. Magkaibang-magkaiba ang mga mundong ginagalawan nila kaya daig pa nila ang mga asteroid na nagbanggaan nang minsang magtagpo ang kanilang mga landas. Nadine thought Arwin was better enough to be the ki...