CHAPTER 11.2

502 19 0
                                    

HINDI MAIALIS NI Arwin ang mga mata sa band na nagpe-perform sa harap niya ng mga sandaling iyon. Talagang nagkakaroon na ng magandang pangalan ang Crimson Skulls. Imbitado na sila maging sa mga big time TV shows. Malaki na ang achievement ng mga ito, lalo na ni Nadine.

Five months ago, he left Zambales just to give that woman enough time. Enough time to think, or to forget him. Hindi nagbago ang lahat ng nararamdaman niya para dito kahit pa limang buwan na ang tumakbo. Kaya lang, ayaw niyang pilitin itong makinig sa mga explanations niya. Ayaw niyang mapilitan itong makipag-usap sa kanya. Siya na mismo ang gumawa ng paraan para hindi na ito masyadong masaktan.

Nahihirapan din siya sa bawat araw na lumilipas. Walang araw na hindi siya nagte-text at natawag dito. Ginawa na niya ang lahat ng puwede niyang gawin pero ni ayaw siya nitong makita. That's why he gave him a time and space.

Ngayon, nasa harap na niya muli ang babae. Salamat sa mga connections ng mommy niya at madali siyang nakapasok sa studio nang walang ka-effort-effort. Masaya na siya ngayon dahil after five months, nasilayan na niya ulit ito.

He missed her so much that he almost wanted to go beside her and hug her. Kaso, siguradong hindi lang siya mapapahiya sa harap ng mga tao, mapapanood din ng buong bansa kung paano siya i-reject ng babaing mahal na mahal niya.

"I drowned out all my sense with the sound of it's beating."

Napabuntong-hininga siya. Mukhang nasaktan niya talaga ang babae. Gan'un din naman ang nangyari sa kanya. Nasaktan rin siya nang husto. Hindi niya ini-expect na ang author na si Raven Neil ay makakaranas ng gan'on katinding love dilemma.

Naapektuhan pati ang pag-process ng utak niya. Kung ano talagang nilalaman n'on, iyon ang naisusulat niya. Ilang beses niya ngang naitanong sa sarili kung tatanggapin ba ang nobela niya o ipapatapon na siya ng editor niya sa Manila Bay. Noong isang buwan pa niya ipinasa ang natapos niyang romance novel pero hindi pa rin nagpaparamdam sa kanya ngayon si Pink.

Si Pink ang bading niyang editor. Nagulantang rin ito nang husto nang sabihin niyang romance novel ang ginawa niya. Pinilit siya nitong sabihin kung ano ang nasinghot niyang solvent at nakagawa siya ng gan'on. Napilitan tuloy siyang ikuwento rito ang nangyari sa love life niya. Tinawanan siya nito nang tinawanan at nasabihan pa siyang corny. Baduy raw pala siya kapag nai-inlove.

Eh ano bang magagawa ko? Tinamaan ako ng pana ni kupido eh.

"Magandang gabi po,"

Ang pamilyar na boses na iyon ang nagpabalik sa kanya sa realidad. Tapos na pala ang performance ng Crimson Skulls. Kasalukuyan na ngayong ini-interview ang banda. Mabuti na lang at nasa likuran siya kaya alam niyang malabong mapansin siya ng kahit sino sa mga kabanda ni Nadine. Alam niyang hindi matutuwa ang dalaga kapag naramdaman nito ang presence niya.

"So, Miss Nadine. Anong masasabi ninyo tungkol sa big break na ibibigay sa inyo ng GMA? Alam naman nating bibihira lang ang nabibigyan ng ganitong break at hindi lahat ng magagaling na banda ay napapansin?"

Hindi rin naman tsismoso 'tong baklang nag-i-interview? sarkastiko niyang tanong sa isip.

Nakita niyang ngumiti si Nadine na siya namang nakapagpalakas nang husto sa pintig ng puso niya. Napakaganda pa rin nito. Hindi pa rin nagbabago ang maamong mukha nito na bumabagay sa personalidad nito. She was still the same woman whom he loved the most.

"S'yempre po, napaka-thankful po namin na nagbunga na ang paghihirap namin. Kung hindi po dahil sa network, alam po naming imposible naming marating ang kinalalagyan namin ngayon. As of now po, sisiguraduhin po ng Crimson Skulls na gagawin po namin ang lahat ng kaya namin para po hindi masayang ang break na ibinigay sa 'min."

Kahit siya ay napangiti sa mga narinig. Kahit papa'no ay alam niya sa sarili niyang nakakaya na nitong ngumiti after what had happened. Sa wakas ay may naaaninag na siyang kaunting improvement sa dalaga. Hindi katulad noong makita niya itong nanlumo sa kwarto niya noon.

I'm dying for your forgiveness. Sooner or later, I'll talk to you my life.

"'Pansin naming napaka-emotional mo everytime na nagpe-perform kayo. Is there a deeper reason? May dilemma bang pinagdaraanan ang bawat isa sa inyo ngayon?" pang-iintriga ng interviewer kay Nadine.

"Well, actually—"

Si Steed ang sumagot. Bilib rin siya sa kakapalan ng mukha ng lalaki. 'Lakas ng loob nitong magsalita kahit pa nationwide ang TV show kung saan sila nag-guest. Sira-ulo eh. 'Kapal ng mukha.

Tumayo na siya at nagsimulang maglakad palayo. He's already satisfied of what he saw. Sa mga darating na araw—kapag nakapag-ipon na siya ng sama ng loob, babalikan niya si Nadine. Ibabalik niya ang lahat ng nawala sa kanila.

Once-in-a-lifetime Moment With You (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon