CHAPTER 12.1

570 22 0
                                    

ILANG BESES NA iginala ni Nadine ang mga mata sa buong kabahayan. Nasa Zambales siya nang mga oras na iyon dahil marami siyang free time. Sa susunod na linggo pa ang buhos ng mga projects nila kaya sinusulit niya na ang paglalagalag.

Napabuntong-hininga siya. Parang kailan lang ay punung-puno ng kulay at sya ang bahay na iyon. Plus the fact na isang tao ang bumuhay ng husto sa paligid niya. Arwin once became the man of her dreams, the apple of her eye.

Pero sa sandaling panahon lamang ay bumalik na sa madilim na anyo ang mundo niya. Sa sandaling panahon ay nawala ang lahat ng kulay sa buhay niya. Naging mannequin siya. A beautiful woman with no emotion, or so she thought.

Marahan siyang lumabas para magtungo sa maliit na garden sa bakuran. Umupo siya sa wooden bench. Sana hindi na lamang natapos ang lahat. Isang writer ang lalaking minahal niya. Sana man lang ay hinayaan nitong magkaroon ng happy ending ang love story nila.

Pero mukhang hindi naman niya kaya.

Naputol ang malalim niyang pag-iisip nang huminto sa harap ng gate ang isang pulang kotse. Sino naman kaya 'yan?

Nakita niyang bumaba an isang matangkad at maputing lalaki. Naka-polo at jeans lang ito pero napakaguwapo pa ring tingnan. Dire-diretso itong pumasok sa loob ng bakuran at nkangiting lumapit s kanya. Pansin niyang kahawig ito ni Arwin. Hindi niya rin matukoy kung sino ang mas ma-appeal o mas guwapo.

"You must be Nadine," anito na may baritonong boses.

She nodded.

"Pinapabigay sa 'yo ni Raven Neil ang latest niyang nobela. Inaalay niya daw sa 'yo ang gawa niya and he's hoping na babasahin mo 'tong nobelang 'to as soon as possible." Iniabot sa kanya ng lalaki ang isang librong may katamtamang kapal at kulay pulang cover. Nng abutin niya iyon ay walang paalam na itong tumalikod at umalis.

Naiwan siyang nakatulala sa kawalan. Sino ang lalaking 'yon? Pa'no naman kaya nito nalaman na idol niya si Raven Neil? And he sounds like he's so familiar with her. Kahawig rin ito ni Arwin.

Hindi kaya...

Ipiniling niya ang ulo. Malabong mangyari ang iniisip niya. Sino siya para puntahan ng mga Narvedez just to convince her to come back to thier youngest? She's just a nobody. Malayo pa siya sa talampakan ng angkan ni binata at kahit hindi nito sabihin, alam niyang malayung-malayo pa rin ang estado ng buhay nito sa buhay niya.

Binuklat niya ang unang pahina ng libro kung saan kadalasang makikita ang dedication ni Raven Neil para sa mga fans, kaibigan at kaanak nito. Laking gulat niya nang mabasa ang napakaiksi pero emosyonal na dedication nito.

For the woman I've treasured a lot. For the woman I love, Nadine Elise I. Ludivico. The 'Neil' in the Raven Neil. The half of me.

Lalo siyang naguluhan. Walang ibang umaalingawngaw sa isip niya kundi ang tanong na: How come? Mabilis niyang inilipat ang page patungo sa first chapter ng nobela. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang isipin nang mga sandaling iyon.

Once-in-a-lifetime Moment With You (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon