"MA?!"
"Oh, ba't para kang nakakita ng multo?"
Tigagal si Arwin sa kanyang inang si Mrs. Narvedez nang pagbuksan niya ito ng gate. Hindi niya ini-expect na susunod ito sa Zambales. Alam niyang busy itong tao kaya nunca itong mag-aabala para lang bisitahin siya. Isa pa, nahihiya siyang makita nito na naroon si Nadine. Natatakot siyang magkaroon ito ng violent reaction.
"Hindi mo ba 'ko papapasukin?" tanong nito na nakapagpabalik sa kanya sa realidad. Nakaarko na ang isang kilay nito, tanda na nagtataka na ito sa kanya.
Niluwangan niya ang pagkakabukas ng gate at iginiya ang ina sa loob ng kabahayan. Alam niyang hanggang ngayon ay disappointed pa rin ito dahil bumili siya ng bahay na mala-posporo lamang ang laki para sa kanyang sopistikadang ina.
Napahinto sa paglalakad ang kanyang ina nang makarating sila sa living room. Alam na niya ang dahilan. It was because of Nadine. Nakaupo ito sa sofa at tigagal din nang makita na may kasama siya, to think na kahawig na kahawig niya ang ina at madaling ma-identify na ito ang Mommy niya.
Napalunok siya nang wala sa oras nang humarap sa kanya si Mrs. Narvedez. Nakatitig lamang ito sa kanya at parang sinasalamin kung ano ang ibig-sabihin ng nakita nito.
Anak ng teteng! Ano ba 'to!
"M-Ma," alanganin niyang ngiti habang hinihimas-himas ang likod ng ulo. "Si ano po. S-Si Nadine. Girlfriend ko po." Mamatay-matay siya sa takot nang mga oras na iyon. Kalalaki niyang tao pero pakiramdam niya'y wala siyang kalakas-lakas.
"Hello po," ani Nadine na daig pa ang matimtimang birhen.
Kinain muli ng katahimikan ang bahay niya. Walang nagsasalita. Kapwa lamang sila nakatingin sa Mommy niya na nagpapalipat-lipat naman ng tingin sa kanila. Maya-maya ay nakita niya ang unti-unting pagsilay ng isang matagumpay na ngiti sa mga labi nito.
"Sa wakas, hijo!" naibulalas ng kanyang ina bago nagmamadaling lumapit sa sofa at hinawakan ang magkabilang kamay ni Nadine. "May girlfriend ka na! Sa wakas. Napatunayan ko nang hindi ka nga bakla!"
Nakita niya ang pagpipigil ng tawa ni Nadine kaya naramdaman niyang nag-init ang kanyang mukha sa sobrang kahihiyan. Sigurado siyang pulang-pula na ang mukha niya. Sino ba naman ang hindi magkakagan'un samantalang isinadlak siya ng kanyang napakagandang ina sa isang kahiya-hiyang eksena.
"Mommy!" asik niya bago naupo sa sofa na nakaharap sa dalawang pinakaimportanteng babae sa buhay niya. "H'wag na h'wag mo ha-harass-in 'yan si Nadine! Mahal na mahal ko 'yan!"
It's now Nadine's turn to blush. "Arwin, ano ba 'yang ka-corny-han mo!"
"Tell me, hija. Paano kayo nagkakilala ng anak ko?" excited na tanong ni Mrs. Narvedez na akala mo'y teenager na nakikigulo lang sa love life ng mga classmates niya. "Paano mo nagawang straight na Adan ang anak kong silahis?"
"Mommy!" nahihindik niyang pigil sa matabil na dila ng ina pero ni hindi man lamang siya nito tinapunan ng tingin.
"Uhmm. Ano po kasi. Magkapitbahay po kami," nahihiya pa ring sabi ni Nadine. "Enemies mo talaga kami dati. Kumatok na lang po 'yan sa bahay para awatin ang practice ng banda namin. And then he shouted at me. Nag-away po kami. Sunud-sunod na araw po kaming nag-aaway."
"Hoy, hoy, hoy! Ikaw ang umaaway sa'kin n'un, Sweetheart!" deffensive naman niyang singit.
Pinandilatan siya ng mata ng magaling niyang ina. "Russell Arwin Vincent E. Narvedez!" umaalingawngaw na sabi nito. " Nang-aaway ka ng babae? How could you be so cruel to this pretty lady?"
Bumuntong-hininga na lamang siya. Ang mga babae talaga. Basta kalahi nila, kakampihan nila. Hindi man lang nila naisip na may point rin naman ang mga lalaking tulad niya.
Pasalamat ka, Nadine. Kung hindi lang talaga kita mahal to the max. Naku! Never kong hahayaan ang mommy ko na tapakan ako! matawa-tawa nyang sabi sa kanyang isip.
Gan'un niya kamahal ang babae. He's willing to feel all the negativities just for her.
BINABASA MO ANG
Once-in-a-lifetime Moment With You (Published under PHR)
RomanceArwin was a writer. Nadine was a band vocalist. Magkaibang-magkaiba ang mga mundong ginagalawan nila kaya daig pa nila ang mga asteroid na nagbanggaan nang minsang magtagpo ang kanilang mga landas. Nadine thought Arwin was better enough to be the ki...