CHAPTER 9.3

414 17 0
                                    

"I NEED TO go now, Nadine," paalam ni Mrs. Narvedez kay Nadine nang mga sandaling iyon. Maghapong nasa bahay ni Arwin ang ginang kaya matagal niyang nakausap at nakakuwentuhan ang ina ng kanyang beloved.

"Sige po, Tita. Ingat po kayo," aniya bago nakipag-beso-beso kay Mrs. Narvedez.

"Alagaan mo si Arwin, ha? Pagpasensiyahan mo na rin 'yan. Minsan kasi lumuluwang ang turnilyo niyan sa utak, lalo na kapag abala sa nobela niya," natatawang sabi ng ginang bago sumakay sa kotse nito.

"Hey!" protesta ni Arwin. "Ikaw talaga, Mommy! Kanina mo pa ako tino-torture ah!" hinapit ng lalaki ang baywang niya. "Don't worry. I'll also take care of this damsel."

Narinig niya pa ang pagtawa. "See you again, sweet couple!" iyon lang at pinaharurot na nito ang kotse nito.

Cool, natatawang sabi ng utak niya.

Napakarami nilang napagkuwentuhan ni Mrs. Narvedez. Pati nga yata paboritong past time ni Arwin ay naikuwento nito. And she loves to admit na nakapalagayan na niya kaagad ito ng loob. Akala niya noong una ay lalait-laitin siya nito, sisigawan, ipapahiya. Kinabahan siya nang husto nang makita ito sa tabi ni Arwin kanina. Akala niya ay end of the world na para sa kanila.

"Ang bait naman niya," komento niya. "At sobrang nakakatuwa pa siya. Akala ko ipagtatabuyan na niya ako palayo sa 'yo, eh."

He grinned. "Hindi monster ang nanay ko. She looks so sophisticated but deep inside, jologs 'yun. Tingnan mo nga! Ni hindi man lang nagkaroon ng violet reaction nang malamang may girlfriend na 'ko. Ibinubugaw na nga ako sa iba't ibang babae n'un, eh."

Siya naman ang natawa. Hindi niya akalaing may ganoong side ang ina ng lalaki. Napaka-disente nitong tingnan. Kagalang-galang ang postura nito, not to mention the fact na halatang kilala itong personalidad. Kung siya nga ang tatanungin ay mukha lang siyang tagapagpaligo ng aso ni Mrs. Narvedez.

"How I wish I still have my family," bigla na lamang niyang nasabi. Walang anu-ano'y kinain na naman ng kalungkutan ang buong sistema niya. Naalala niya ang pamilya niya.

"Hush," alo sa kanya ni Arwin bago siya niyakap nang mahigpit. "You're not alone anymore. Can't you see me? Pamilya mo na 'ko ngayon. Dahil hindi magtatagal at ikakasal na rin naman tayo."

"Sira ka talaga," natatawa niyang sabi bago hinampas nang mahina ang binata. But atleast. He managed to make her smile.

Sana ganito na lang palagi. Masayang-masaya na siya sa mga nangyayari sa buhay niya at ayaw na niyang magkaroon ng kahit anong negativity. She's too contented with the man beside him.

"Nadine."

"Hmm?"

"I love you," anito bago dinampian ng halik ang noo niya. "I'll promise I'll never break your heart."

Once-in-a-lifetime Moment With You (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon