CHAPTER 4.3

489 17 0
                                    

HINDI ALAM ni Nadine kung bakit paano ba siya napapayag ng Arwin na iyon na maging magkaibigan sila. Kasalukuyan sila ngayong nagkakape sa Blue Coffee at abala sa pakikipagkuwentuhan sa isa't isa.

Hindi niya akalain na magki-click kaagad sila ng binata. Noong isang linggo lang ay halos atakihin na siya sa puso sa sobrang pagka-high blood dahil dito. Kulang na lang ay isumpa niya ang kumag o 'di kaya'y ipakulam sa kaibigan niyang anak raw ng dakilang mangkukulam sa probinsiya ng mga ito. Lalo pa siyang nasaktan nang pagsabihan siya nito nang kung anu-ano.

Pero nang lapitan siya nito sa park kanina para abutan ng panyo at makipag-ayos ay parang bulang naglaho ang lahat ng galit niya para rito. In fact, kinilig pa siya sa pagiging gentleman nito. Kahit tinarayan na niya ito ay hindi pa rin ito umalis sa tabi niya. Pinili pa rin nitong samahan siya at paaminin sa bagay na pinoproblema niya.

At in fairness sa kumag na kausap niya, gentleman pala ito. Ang akala niya ay kasing-balahura ito ng iniisip niya noong una. Iniisip niyang, mayabang, matapobre at wala itong delekadesa. Well, mali pala siya.

"Akala ko, masama talaga ang ugali mo. Hindi naman pala," prangkahan niyang 'sabi sa lalaki. Naaaliw siya sa simpleng pagtitig sa guwapong mukha nito at kulang na lang ay ma-glue na ang mga mata niya rito.

Ngumiti ang lalaki na lalong nakapagpatalon sa puso niya. Kung bakit ay hindi niya alam. "Pasensiya ka na talaga sa inasal ko, ha? Naiinis lang kasi ako nu'ng time na 'yon. Abalang-abala kasi ako sa pagsusulat tapos bigla akong nakarinig ng ingay."

"M-Magsulat?" Writer ba ang lalaki?

"Ah..W-writer kasi ako. Romance writer. Baguhan pa lang ako," tila defensive nitong sagot sa kanya.

"Talaga?" masaya niyang paniniguro. Mahilig siya sa mga libro kaya nakakatuwang may kakilala na siyang writer, kahit ammature pa lang ito. Alam niyang balang-araw ay sisikat ito. Madali lang para sa isang writer ang magsulat. "Pabasa naman ako ng nobela mo. I'm sure maganda 'yon."

"Sure," anito. "By the way. Nasaan ang parents mo ngayon? "

Natigilan siya sa tanong nito. Nawala ang matamis niyang ngiti. Bigla ay naalala niya ang mga magulang niya na maagang kinuha ng Panginoon sa kanya. Ang papa at kapatid niya na idinamay ng mga walang pusong terorista. Ang mama niya na nasira ang buhay dahil sa isang pekeng kaibigan. Ang lahat ng produkto ng kasamaan ng ibang tao.

"Nadine?"

Natauhan siya nang tawagin siya nito. Pinilit niyang ibalik ang napalis na ngiti. "Wala na akong mga magulang. Pareho na silang nasa langit." Ayaw niyang maging emosyonal. Pagod na pagod na siyang umiyak kaya mas gusto na niyang idaan sa biro at patawa ang lahat.

Nakita niya ang paglungkot ng mukha nito. "I'm sorry," dispensa kaagad ng kausap.

"'Wag kang mag-emote," aniya na pinipilit pasiglahin ang boses. "Shongakis ka. Hindi naman ako affected 'no. Bata pa 'ko nang mamatay ang papa ko at ang kapatid ko. Isa sila sa mga nabiktima ng bombang itinanim ng mga hayop na teroristang walang magawa sa buhay. 'Yung mama ko naman, namatay three years ago. Inatake siya sa puso nang magtalo sila ng kumare niya tungkol sa salon na pinaghahatian nila."

"Sana pala hindi ko na tinanong."

"Guilty?" tudyo niya. "Para mawala 'yang guilt mo, 'libre mo na lang ako mamaya."

Pareho silang nagkatawanan dahil sa mga kabaliwang pinag-uusapan nila.

Once-in-a-lifetime Moment With You (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon