"HINDI KA BA nagluluto nang maayos?" gulat na tanong ni Nadine kay Arwin nang mga sandaling iyon. Naroon sila ngayon sa kitchen ng bahay nito and to her dismay, halos lahat ng naroon ay kung hindi can goods ay puro instant foods.
Tatlong linggo na magmula nang makabalik sila mula sa kanilang instant vacation sa Boracay. Natutuwa siya dahil siya pala ang isa sa mga naging tulay para magkita ulit ang best buddies na sina Arwin at Steed.
May nakaraan pala ang dalawa, tatawa-tawa niyang sabi sa sarili.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin masyadong nagsi-sink in sa utak niya na may 'something' na sa kanila ngayon ni Arwin. At hindi lang basta-bastang 'something'. They were now officially on.
"Uhmm, hindi masyado. I'm always busy with my novel," nahihiya nitong sagot bago napakamot sa ulo. "I'm always cooking instant foods. Tuwing Saturday or Sunday lang ako tinotopak magluto nang maayos."
Inambaan niya ito ng kutos. "Sira-ulo kang lalaki ka. 'Pag nagkasakit ka, ha?"
He grinned and that makes her head shook. "Ewan ko sa'yo, Arwin. Nag-aalala na nga ako, ganyan ka pa," pagda-drama niya na sinabayan pa niya ng pagyuko effect. Kung author ang lalaki, siya naman ang actress. Kung sasali siguro siya sa Metro Manila Film Festival ay sigurado na siyang sa kanya mapupunta ang best actress award.
Napakislot siya nang walang pasabi itong yumakap mula sa kanyang likuran. She felt his breath on her nape. Kahit kailan talaga ay hindi nabigo ang lalaki para bigyan siya ng naiibang pakiramdam. He's always bringing up surprises.
"I'm sorry," malambing nitong bulong sa kanyang tainga na lalong kumuryente sa kabuuan niya. "Alam ko namang lagi ka lang nand'yan para sa'kin, eh. That's why I'm always confident that I will never be alone again...Kahit kapag mamamatay na 'ko."
"Russell Arwin Vincent Narvedez!" singhal niya sabay duro sa mukha ng lalaki. "Don't you dare to say that again. Akong papatay sa'yo kapag inulit-ulit mo pa 'yan!"
"Wow. Ganyan ang tono ng wife sa kanyang husband 'di ba?" nakangiti nitong sabi na nakaharang ang mga kamay sa kanya. Handang-handa na ito sakali mang sumugod siya para gulpihin ito. "Sounds great Mrs. Narvedez."
Naghabulan sila sa buong kabahayan. Kahit kailan talaga ay napakapasaway nitong tao. May lahi yata itong kabayo dahil ni laylayan ng damit nito ay hindi niya mahawakan. Mahigit labinlimang minuto sila nagpaikut-ikot bago siya naubusan ng gasolina ta pasalampak na naupo sa sofa.
"Fine. Talo na 'ko," aniya sa pagitan ng paghingal. Itinaas niya pa ang dalawa niyang kamay na animo'y kriminal na sumusuko na sa awtoridad.
Akmang lalapitan siya ni Arwin para lambingin nang sabay nilang marinig ang tunog ng doorbell. Mabilis namang naglakad si Arwin palabas ng kabahayan para tingnan kung sino iyon. Naiwan naman siyang nakangiti at nakatakip ng throw pillow ang mukha.
I love you, Arwin.
BINABASA MO ANG
Once-in-a-lifetime Moment With You (Published under PHR)
RomanceArwin was a writer. Nadine was a band vocalist. Magkaibang-magkaiba ang mga mundong ginagalawan nila kaya daig pa nila ang mga asteroid na nagbanggaan nang minsang magtagpo ang kanilang mga landas. Nadine thought Arwin was better enough to be the ki...