"BUWISET! BUWISET!" paulit-ulit na hiyaw ni Nadine nang makabalik siya sa loob ng kabahayan. Takang-takang sinundan siya ng tingin ng kanyang mga kabanda.
"Nadine, ano ka ba? Will you please calm down?" saway ni Heidi. "ano ba'ng nangyari?"
"Kasi naman eh!" parang batang sumbong niya sa kaibigan bago naupo sa tabi nito. "'Yung bagong kapitbahay kasi namin. Badtrip! Parang walang modo! Ang sarap sapakin eh!"
"Bakit nga kasi?" ulit ni Drew sa tanong ni Heidi.
"Kasi nga, sinabihan niyang istorbo daw tayo sa mga kapitbahay! Sinabihan pa na pangit naman daw 'yung mga boses natin! Noise lang daw ang ginagawa natin at hindi music!" Ilang beses niyang pinilit i-compose ang sarili. Kaya lang ay nananaig talaga ang galit niya para sa lalaki.
"Eh gago naman pala 'yung taong 'yon eh!" hiyaw ni Steed. "'Asan ba? Babanatan ko na!" Halatang nanggigil rin ito kaagad sa narinig. Steed loves Crimson Skulls kaya ni ayaw nitong nilalait ang banda nila o ang sinuman sa kanila.
"Hoy, tumigil ka nga," awat ni Crate. "Si Nadine lang ang may karapatang mang-away sa taong 'yon. Hindi naman tayo taga-rito sa subdivision na 'to eh. Mapapaaway ka lang para sa wala."
"Hayaan mo na nga lang, Steed. Nag-iinit lang talaga 'yung ulo ko. Pero hindi dapat patulan 'yung mga taong tulad no'n," mahinahon pero inis pa rin niyang sabi sa kabanda.
Sayang. Guwapo sana siya.
Nailing na lang siya nang sumaging muli sa isip niya ang mukha ng lalaking nakasagutan niya kanina. Guwapong-guwapo ito sa suot nitong walking shorts at white sando. Mala-Dindong Dantes ang buhok nito na tamang-tama lang for his lean, angular face. He had a sensual lips and an attractive pair of eyes na kaya yatang mang-akit ng isandaang babae sa isang tingin pa lang. Mas matangkad rin ito nang 'di hamak kesa sa kanya. Plus the fact that he had the body.
Nakailang ulit pa siyang umiling. Ano ba'ng nangyayari sa kanya? Hindi naman 'yon siguro ang first time na nakakita siya ng isang oh-so handsome man. Isa pa, masama ang ugali ng lalaking 'yon. Wala itong karapatan na laitin siya o ang banda niya.
Ito lang yata ang nag-iisang taong lumait sa banda nila ng direktahan. Walang kasing sama ang mga binitawan nitong salita.
INIS NA ISINARA ni Arwin ang kanyang laptop. Alam niya na kasing wala siyang matatapos ngayong gabi. Walang ibang papasok sa isip niya kundi ang babaing nakaalitan niya kanina.
Paano niya ba naman kasi makakalimutan ang pagiging taklesa nito? Kung anong iginanda ng bruha ay siya namang ikinapangit ng ugali. Hindi siya makapaniwala na may isang prinsesa na may ugaling mangkukulam siyang makikilala. Ang akala ni Arwin ay sa mga nobela lamang sumusulpot ang mga ganitong karakter.
Kung sa ibang pagkakataon niya marahil nakilala ang babae ay masasabi niyang na-attract na siya rito. Kaya lang ay hindi. Hinding-hindi siya maa-attract sa isang witch. Hindi niya alam kung bakit pero para bang ang laki-laki ng panghihinayang niya dahil sa mga inasal nito.
Noong bata pa siya, sinasabi na sa kanya ng Mommy niya na sa pinakamaganda at pinakamabait na babae siya mapupunta. That girl will be his partner for a lifetime. That's why he promised to himself that the girl he keeps on waiting for will be his first and last.
Noong binata na siya at nasa high school na, makailang ulit siyang is-in-et-up ng kanyang kaibigang si Steed sa iba't ibang chicks sa school nila. Alam kasi nitong hindi siya mahilig sa babae. Pero sorry na lang ang mokong dahil consistent siya sa kanyang status na single. Wala siyang pinatos sa kahit isa sa mga inirekomenda ng kaibigan.
Bigla, naalala niya si Steed. Ito ang high school buddy niya noon. Hindi niya na alam kung nasaan ito ngayon dahil nagpalipat-lipat na ito ng tirahan. Hindi niya rin makita ang facebook account nito. Ang huling nabalitaan niya ay tumigil na ito sa pag-aaral noong first year college dahil sa paghihiwalay ng mga magulang nito. Pagkatapos noon ay wala na siya ni isang nakalap na balita ukol dito.
Steed loves music. Iyon ang malaking kaibahan nila. He really loves quiet places habang ito ay mahilig sa mga maiingay na tunog, especially guitars. Kung minsan nga ay gusto niya nang ihampas sa ulo nito ang hawak nitong gitara sa tuwing abala siya sa pagbabasa ng libro.
Naalala niya tuloy noong isang beses na naggigitara ito at siya nama'y nakikinig lang. Bigla itong nalungkot at tumigil sa pagtugtog.
"Bro," anito habang malungkot na nakatingin sa kanya. Naroon sila noon sa butterfly garden ng school at nakaupo sa isa sa mga wooden bench roon.
"Ano?" kaswal naman niyang tanong.
Huminga ito nang malalim. "Malapit na ma-bankrupt ang jewelry shop namin. Panay na ang away nina Mommy at Daddy. Sa totoo lang, hindi na matatawag na pagkain ang kinakain namin ngayon sa hapag."
Nagitla siya sa sinabi nito. Hindi niya inaasahan na ganito na pala kalala ang problema ng kaibigan. "A-ano bang meron?"
"Karamihan sa mga gamit sa bahay, unti-unti nang ibinibenta ni Daddy. Hindi daw siya pwedeng malugi sa negosyo niya. He even sold his car," dagdag pa nito bago ibinaling ang ulo sa kabilang bahagi patalikod sa kanya, perhaps to conceal his tears. "Hindi ko na nga alam kung makapag-aaral pa 'ko eh."
"Bro," alo niya. "Pagsubok lang 'yan. Malalampasan niyo rin 'yan. Don't worry. Kakausapin ko si Mommy para tulungan ka niya sa mga tuition at miscellaneous fees."
Napabaling si Steed sa kanya. "You're a real friend indeed, Arwin. Hindi mo 'ko iniiwan."
"'Drama mo, Dude! S'yempre. Matitiis ba kita eh halos iisa na ang bituka nating dalawa?"
Steed smiled and gave him a brotherly hug. "You're the best of all the friends I've ever known."
BINABASA MO ANG
Once-in-a-lifetime Moment With You (Published under PHR)
RomanceArwin was a writer. Nadine was a band vocalist. Magkaibang-magkaiba ang mga mundong ginagalawan nila kaya daig pa nila ang mga asteroid na nagbanggaan nang minsang magtagpo ang kanilang mga landas. Nadine thought Arwin was better enough to be the ki...