CHAPTER 10.2

450 20 0
                                    

PAULIT-ULIT NA SINIPAT ni Nadine ang kanyang sarili sa harapan ng malaking salamin. She keeps on touching her hair, and then her face. Maganda na siya. She was so sure about that. At alam niyang sa paningin ni Arwin, wala nang ibang magandang babae sa mundo kundi siya lang.

Masigla siyang lumabas nang kabahayan. Pupuntahan niya ngayon si Arwin dahil hapon na at alam niyang hindi pa ito nakakapag-isip ng lulutuin para sa hapunan. S'yempre, bilang devoted girlfriend ay tutulungan niya ito.

Paglabas niya ng gate ay may nakita siyang itim na Vios na nakaparada sa harap ng bahay ng binata. Naisip niyang baka kay Mrs. Narvedez iyon kaya lalo siyang nagmadaling pumasok sa bahay ng lalaki. Bukas ang gate at ang pinto kaya dire-diretso na siyang pumasok. Wala siyang naabutan sa living room.

"Arwin?" pagtawag niya pero walang umiimik.

Sinilip niya rin ang kitchen, dining area pati banyo pero walang tao roon. Marahil ay nasa taas ang mga ito at abala na naman si Mrs. Narvedez sa panenermon sa anak. Hindi kasi nito inaasikaso ang sarili at panay lamang ang pagkukulong sa kwarto para gumawa ng mga nobela niya.

Nagpasya siyang pumanhik sa second floor. Makikigulo siya sa misa ng mag-nanay, tutal ay gustung-gusto rin naman niyang makita si Arwin. Wala pang isang araw silang hindi nagkikita pero na-miss niya na ka'gad ito.

Ngingiti-ngiti siyang naglakad patungo sa kwarto ng lalaki. Naaaninag na niyang nakabukas ang pinto kaya lalo siyang nagmadali.

The smile on her face faded away. Isang kahindik-hindik at napakasamang eksena ang naabutan niya. He saw Arwin, kissing a bitch. At sa klase ng halik na pinagsasaluhan ng mga ito, hindi niya puwedeng isipin na aksidente lamang iyon. Na natisod lang ang taksil niyang boyfriend kaya lumapat ang labi nito sa labi ng malanding babaing iyon na nakasuot pa ng lingerie.

Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng nagyeyelong tubig. Awtomatikong nangilid ang mga luha niya dahil sa sakit at galit. How come that he kissed other woman? Ano bang dapat niyang isipin? Na hindi nito gusto ang lahat?

"You know what? PDA kayo. Madali lang magkaroon ng privacy. 'Tulungan ko kayo?" she said with a high pitch and sarcastic tone.

Mabilis na naghiwalay ang dalawa at nabasa niya sa expression ni arwin ang labis-labis na pagkagulat. Well, dapat lang. Nakita niya itong gumagawa ng kasalanan sa harap niya. How ruthless he was!

Mabilis siyang tumakbo palabas. Paulit-ulit niyang pinunasan ang magkabilang pisngi na paulit-ulit na dinadaluyan ng luha. She's so naive. Bakit ba siya umasa at nagpapaniwala sa lalaking iyon? Hindi man lang ba sumagi sa isip niya na maaaring may girlfriend ito sa Manila at siya ay number two lamang?

Narinig niya ang paulit-ulit na pagtawag ni Arwin sa pangalan niya pero mas lalo lamang niyang binilisan ang pagtakbo hanggang sa makapasok siya sa loob ng sariling bahay. She hate him. Hate him a lot. Hinding-hindi niya na pakikinggan pa ang mga kasinungalingan nito.

Ini-lock niya ang pinto. Kahit naririnig niya ang pagmamakaawa at pagkatok nito ay wala siyang pakialam. Agad siyang nagtungo sa kwarto niya at padapang sumalampak sa kama.

"Peste! Bakit ba 'ko iyak nang iyak? Hindi ko siya dapat iniiyakan!" sigaw niya habang marahas na pinupunasan ang mukha ng likod ng kamay niya. "You're such a lier! I hate you, Arwin! Damn you! Sana mamatay ka na!"

Alam niyang masyadong childish at masama ang hinihiling niya pero iyon ang gusto niyang mangyari sa lalaki nang mga sandaling iyon. Gusto niyang maglaho na lamang ito kasama ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.

He was her first love, pero sinaktan siya nito. Hindi lang siya basta sinaktan. Para na rin siya nitong pinatay. Not literally, but emotionally. Kahit anong mangyari ay hinding-hindi niya ito kakausapin.

Once-in-a-lifetime Moment With You (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon