CHAPTER 12.2

1K 38 1
                                    

VINCENT CRIED A lot as he saw the woman she loved running away from him. Hindi niya man ginusto ang lahat, hindi niya man kasalanan, nararamdaman niya ang pinakamatinding guilt sa buhay niya.

He ran after her. But the Elise refused to talk to him. Para saan pa nga ba? Alam niyang hindi siya nito mapapatawad. Hindi kasalanan ng dalaga kung ayaw na nitong makinig pa sa kanya. Sobrang nasaktan ito.

Nang bumalik siya sa bahay niya, she saw Eca. Anak ito ng business partner ng mommy niya. Ang babaing ito ang puno't dulo ng lahat. She was the reason of every mess in their lives. Halos isumpa niya ito. She and her ill-bred attitude. Kung hindi dahil sa kalandian nito ay hindi magagalit sa kanya si Elise.

Dumating ito kani-kanina lamang at walang pasabing pumasok sa kwarto niya. Nang lumabas siya galing sa banyo ay nagulat na lamang siya sa biglang pagsulpot nito. She tried to seduce him.

Pero hindi siya nagpadala sa kung anumang tuksong dala nito. Kinumbinsi niya itong sumuko na ito sa kahibangan nito. Akala niya ay nagkaintindihan na sila. But out of the blue, he grabbed and kissed him. Iyon ang eksenang naabutan ni Elise.

"Vincent, are you alright?" parang tangang tanong nito kahit nakikita naman nitong umaagos na ang luha sa mga mata niya.

"Mukha ba akong alright?! Nagalit sa 'kin si Elise! Ayaw niya akong kausapin, ni ayaw niya 'kong makita. Now, you're asking me if I'm alright?!" dumadagundong niyang sigaw kahit pa ang lapit-lapit lang ni Eca sa kanya. It was totally her fault. Kung hindi dahil sa kalandian ng babaing ito ay hindi hahantong sa gan'on ang lahat.

"I-I'm sorry, Vincent. Sana alam mong ginawa ko lang 'yon because I love you," anito bago hinawakan ang pisngi niya. "Dahil wala na kayo, I'm willing to catch you."

Walang anu-ano'y hinaklit niya braso nito. Nakita niya sa expression ni Eca na nasaktan ito but he didn't care. "Wala kang karapatang sabihin 'yan. And don't you dare to say that you'll catch me dahil walang-wala ka sa kalingkingan ni Elise. At 'wag na 'wag kang magkakamaling lumapit o magbanta kay Elise dahil kakalimutan ko ang ugnayan ng mga parents natin. I will surely kill you, kahit babae ka pa!"

"V-Vincent," nahihintakutang sabi ng babae.

Sa sobrang galit niya ay kinaladkad niya ito hanggang sa labas ng gate at halos naibalibag niya ito patungo sa kotse nito. Alam niyang masyadong brutal ang ginagawa niya pero hindi niya ma-control ang sarili.

"Don't you dare to come back here!" nakaduro niyang sigaw saka nagmadaling pumasok sa bahay. Napadausdos naman siya paibaba nang maisara niya ang pinto.

Ngayon lang siya na-in love. Ngayon niya lang naranasan ang gan'ong pakiramdam. Ngayon lang siya umiyak nang husto. Ngayon lang siya nakasakit ng iba in the name of love.

At ang pinakamasakit sa lahat, ngayon niya lamang naranasan ang mabigo.

NAKITA NI VINCENT ang sariling nakaharap sa malaking salamin. Paulit-ulit siyang nagsalita sa harap noon habang pina-practice nang paulit-ulit ang sasabihin sa babaing minamahal.

Ilang buwan na ang nakakalipas. Pinili niyang putulin ang lahat ng koneksiyon niya sa babae, hindi para kalimutan ito nang tuluyan kung 'di para maghilom ng unti-unti ang mga sugat at dahan-dahang mawala ang galit nito sa kanya.

"Elise, alam kong wala akong karapatang mahalin ka—Urggh!" Napaka-old style naman kung gan'on ang sasabihin niya. Nag-isip pa ulit siya pero wala nang ibang pumapasok sa isip niya kung hindi ang pangalan ng babae.

Once-in-a-lifetime Moment With You (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon