"GUYS! NANDITO SI Steed!"
Ang anunsiyong iyon mula kay Heidi ang kumuha ng atensiyon nilang lahat ng mga sandaling iyon. Pati si Arwin na abala sa pag-iihaw ng bangus ay napatingin sa kinaroroonan ng kaibigan ni Nadine. Kasalukuyan silang nasa cottage at may kanya-kanyang ginagawa.
Sa pagkakaalam niya, ang Steed na binabanggit nito ay ang kabanda ng girlfriend niya na basta na lamang umalis at iniwan ang Crimson Skulls sa ere. Ito rin ang naging main reason kung bakit sila nagkakilala nang maayos ni Nadine.
Lihim siyang napangiti nang maalala niya ang sweetest part of his life. Kagabi iyon, nang mga oras na sagutin siya ng dalaga. Sino bang makakalimot sa ganoong eksena lalo pa't dedz na dedz siya sa babae.
Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahong tumingin sa nagkakagulo sa paligid niya. Busy siya sa pag-iihaw ng baboy na mapupunta sa tiyan ng mga kaibigan niya. Tama. Itinuturing niya na ring kaibigan ang mga miyembro ng Crimson Skulls. Mababait naman ang mga ito at madali lamang makasundo.
"Arwin," narinig niyang tawag sa kanya ni Nadine. "Si Steed nga pala."
Nakangiti siyang bumaling sa kinatatayuan ng dalawa sa gilid niya. Ngunit napalitan nang gulat ang ekspresiyon niya nang makita ang lalaki na katabi nito. Halatang-halata rin sa mukha nito ang labis na pagkagulat.
"Hey?" pukaw sa kanila ni Nadine na siyang nakapagpabalik sa kanya sa ulirat.
"Bro!" sabay silang napabulalas at napayakap sa isa't isa. They were once called super buddies kaya napakaimposibleng makalimutan nila ang isa't isa.
"Eh? Hey. Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Nadine na parang nagsususpetsa kung anong meron sa kanila ng matalik na kaibigan. "Don't tell me that—"
"Oh, c'mon, Sweetheart. It's not what you think. Steed and I were high school best friends," natatawa niyang paliwanag bago inakbayan ang pinag-uusapan.
"What a small wold," nakangiti namang singit ni Steed habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. "Ibig-sabihin, ikaw pala Nadine ang syota nitong bakla kong best friend?"
Pabiro niyang sinuntok ang sikmura ni Steed. "Umayos ka, Bro. Baka makalimutan kong na-miss kita," aniya sabay tawa ng malutong. Pati sila ni Nadine ay hindi mapigilang mapahalakhak sa tinatakbo ng usapan nila.
"At, eto pa, Steed," untag ni Nadine. "Siya ang walanghiya kong kapitbahay na lumait-lait sa banda natin dati."
"Hayop ka talaga, Bro!" ani Steed sabay habol kay Arwin na nagkandarapa na sa pagtakbo.
Hindi matapos-tapos na tawanan ang umugong sakinaroroonan nila nang mga sandaling iyon.
BINABASA MO ANG
Once-in-a-lifetime Moment With You (Published under PHR)
RomanceArwin was a writer. Nadine was a band vocalist. Magkaibang-magkaiba ang mga mundong ginagalawan nila kaya daig pa nila ang mga asteroid na nagbanggaan nang minsang magtagpo ang kanilang mga landas. Nadine thought Arwin was better enough to be the ki...